TRACE
Nagmamadali akong nag-drive pauwi dito sa Manor kahit sinabi ko na sa Deversorium na muna ako didiretso para makapahinga. Nag-alala kasi ako na baka hindi pa pala nakakain si Chloe dahil may pagkatanga pa naman minsan. Baka magtiis na naman ng gutom at idahilan na takot siya sa mga pusa.
Pagka-park ko pa lang ng kotse ay bumaba na ako agad para puntahan si Chloe. Naabutan ko naman sa lobby ang magkapatid na inaayos ang kung ano-anong nasa baul na nakita nila. Nang lapitan ko sila ay sinabi agad sa akin ni Simoun na nasa kusina si Chloe dahil ipinaghanda na niya ng almusal, at kung gusto ko ay ipaghahanda na rin niya ako ng makakain. But I refuse, ako na ang bahala sa pagkain ko.
Saktong naabutan ko naman si Chloe na nasa dining table at dinidilaan ang mga tumutulo sa mga daliri niya. Tangina 'yan! Kumakain lang siya pero hindi ko na naman maiwasang hindi tigasan. I just watched her at ang utak ko ay napunta na naman kung paano niya dilaan ang— tangina! Huwag na! Kung ano-ano na naman ang nasa utak ko imbes na kausapin si Chloe.
The part that she was eating using her hands made me smile. Gusto ko sanang matuwa na sinusunod niya ang sinabi ko na mag-aral siyang kumain ng nakakamay. Sinadya ko talagang sabihin iyon nakaraan dahil gusto ko siyang pag-trip-an, pero not to the point na seryosohin niya na pati ang may sabaw ay kinakamay na niya. Sabi ko na nga at may pagkatanga minsan.
"Unggoy ka ba?" I asked that with amusement in my voice. Dalawang kamay kasi ang gamit niya sa pagkain.
Pero kung unggoy si Chloe ay ang gandang unggoy naman niya. Magandang unggoy na ngayon ay nakatingin na sa akin at napatitig din ako. I grinned. Unggoy-unggoyin ko pala ito maya... o simulan ko na kaya gawa ng maliit na unggoy.
Tumayo siya at lumapit sa akin. Nakangiti, without realizing na ang ilang butil ng kanin ay nasa baba niya at pisngi. Unggoy nga.
Natatawa ko na lang na inalis ang mga kanin sa mukha niya.
"Kow-mah-en kay nah?" she asked me which made me chuckle at her accent again. Trying hard pa rin mag-Tagalog.
"Hindi pa." I stared at her and my eyes ended on her lips. Lumingon ako sa labas at wala naman sina Simoun at Ibarra roon. Pwede ko naman silang palabasin ng bahay kung gusto ko, pero hindi na. Maya ko na unggoyin ito.
"Kah-en ta-yow..." aya niya sa akin and she pulled me. "And why are you asking me if I am ong-goy? Do I look like a monkey to you?" umiirap na sabi niya.
"Oo, ong-goy ka."
Chloe giggled as I imitate her accent. Natigilan naman ako dahil doon.
Thinking how Chloe looks like CJ ay napatitig na lang ako sa kaniya. Malaki talaga ang pagkakahawig nila lalo na kapag tumatawa at umiirap, para rin siyang nagiging bata sa paningin ko sa tuwing nakikita ko ang mukha ni CJ sa kaniya.
I joined her in the table while she continue eating tapa, sunny side-up, and fried rice. Okay na ang tapsilog na prepared ni Simoun, pero hindi ko maunawaan bakit may Korean noodles pa sa harap ni Chloe, na iyon pala ang kinakamay niya kanina.
"Finish your meal, aalis tayo." I told her.
Napatingin siya sa akin. Namimilog ang mga mata sa anticipation, then her lips formed a sweet smile. "Where? Salvacion?" excited niyang tanong.
"Palawan."
"Palawan!" she exclaimed and I realized she has an idea already about the place. Malapit lang iyon sa Salvacion at doon ko siya dadalhin para walang makakita sa amin na kilala ako o siya.
"Yes. Just eat your breakfast at mag-prepare ka na. Don't bring anything at doon na tayo mamili ng mga kailangan mo kung sakali."
"Ma-mi-leh?"
BINABASA MO ANG
TRACE DIMAGIBA (Wild Men Series 1)
Romance-COMPLETED- SPG | R18 | Matured Content Read at your own risk! "You look good." Humakbang ako palapit kay Chloe. Kunot-noo siyang nakatingin sa akin. Nalilito. Naguguluhan. "Look at you... Kahit balot na balot ka. My body..." Kinuha ko ang kamay...