S3: CUTE

680 5 2
                                    


CHLOE

"Where are you going?" Alguien's voice surrounded his whole mansion at nagkatinginan na lang kami ni Willow. Palabas na sana kami kaso nakita pala kami nito. "Aalis kayo at isasama niyo pa ang anak ko na hindi kayo nagpapaalam sa akin?"

I rolled my eyes. As if naman na may panahon siya sa anak niya.

"I'm bringing Chloe and Heres with me," paalam na lang ni Willow. "Pupunta kami sa orphanage na ini-sponsor ko. Wala naman sigurong masama na dalhin namin si Heres para makipaglaro naman siya sa ibang bata doon."

"Where, Willow? Orphanage? Are you sure?" tanong pa ni Alguien na tumayo na ng diretso at umalis sa gilid ng railings sa second floor. Lumakad papunta sa hagdan at bababa na yata. Kawawa naman ang pamangkin ko kapag hindi namin naisama... Instead Heres will have a chance to play with some kids ay kokontra na naman ang ama.

"Oh God, Alguien. Wala sa Pilipinas ang boyfriend ng kapatid mo at sa pagkakaalam ko ay payag na si Tito Raymond sa kanila kaya sana tumigil ka na sa pagka-strict mo!" Willow stomped her right foot sa inis. "At sa orphanage talaga ang punta namin. Kung gusto mo ay pasundan mo pa kami pero sunod lang dapat. Ayokong matakot ang mga madre doon sa mga tauhan mo."

"Yes. Stop being strict, Alguien."

Napalingon kami ni Willow sa nagsalita at napangiti ako. Si Zeno iyon. For the last two weeks after we talked ay mas naging close ako sa kaniya. We became friends at nakilala ko na rin pati ang kapatid niyang si November.

"As far as I know ay ayaw ng kapatid ko magpakasal sa 'yo, Zeno. Nasabihan na yata ni papa ang ama mo para ipatigil ang plano ng kasal niyo," naniningkit ang mga mata na sabi ni Alguien.

"That's where you wrong, binawi na ni Don Raymundo kay papa ang sinabi niya. Your father said na kami na ni Chloe ang bahala sa kasal na plano kung itutuloy ba o hindi."

Hindi nakaimik si Alguien na kitang-kita ko ang pagkunot ng noo niya habang lumalakad palapit sa amin. Hindi na lang ako umiimik.

"What now?" tanong sa akin ni Alguien nang tingnan niya ako nang malapitan niya kami lahat. At napadako ang tingin niya kay Heres na nakatayo sa tabi ko na bihis na bihis at hawak ko ang kamay.

"What now... what?" I innocently asked. Innocently dahil hindi ko maunawaan ang tinatanong niya. Kung ang tungkol ba sa sinabi ni Zeno o tungkol kay Heres na hawak ko?

"You like this man now and you wanna agreed on what he said? Niloloko niyo ba ako? Magkasabwat na ba kayo ni Zeno?" dudang tanong niya sa akin at pinaglipat-lipat ang tingin sa amin ni Zeno.

"We became closer now... as friends," I answered. That is true. I can't lie that I like Zeno because I'm not. And the man knows I am doing what I can to help him for his daughter, at iyon lang ang maitutulong ko kaya... why not?

Alguien gave me his smirk. Then he grinned lopsidedly bago hinarap si Zeno. Nagdududa talaga pero ano pa ba ang magagawa niya? Kung si papa nga ay payag na sa amin ni Trace ay dapat tumigil na siya.

"I have no idea what is your planning with my sister, Zeno..." Baling ni Alguien sa isa. "Just remember this, kung ano man ang dahilan at close kayong bigla ay malalaman ko rin."

Napatingin ako kay Willow. Nasabi ko sa kaniya ang naging usapan namin ni Zeno. I trust Willow so much at pinisil niya lang ang palad ko.

Hinayaan naming mag-usap pa sina Zeno at Alguien bago kami lumabas ng mansion dahil sa huli ay pumayag din si Alguien na isama namin si Heres.

Okay rin na sinalo kami ni Zeno kaysa pasamahan pa kami ni Willow kay Rogelio. Iyon kasi ang bantay ko lagi kapag sinasama ako ni Willow lumabas. Mabuti na lang talaga at dumating si Zeno.

TRACE DIMAGIBA (Wild Men Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon