Seventeen years ago...
TRACE
El Tierra City, Salvacion
Bye, Trace!" Kumakaway si Analia habang papalayo ang kotse nila.
Nakangiti naman akong hinintay muna makalayo ang sasakyan bago ako pumasok sa gate namin.
Galing akong school at tumawag sa akin si Yaya Cora at sabi ay hintayin ko ang sundo ko dahil hindi ako masusundo ni Mama. Alam ko na ang dahilan nag-aaway na naman sila ni Papa. Iyon lang naman ang bagay na pwedeng maging dahilan na makalimutan ang existence ko. Priority na ni Mama ang makipag-away ngayon.
Hindi na ako nagpasundo. Ang sabi ko na lang kay Yaya Cora ay makikisabay ako sa kaklase kong pauwi na rin. Si Analia.
Ang totoo ay gusto ko maka-experience na sumakay sa tricycle kaso delikado si Yaya Cora kay Mama kapag nalaman na sumakay ako sa tricycle. Kaya gano'n na lang, para pumayag si Yaya Cora na hindi na umuutos na sunduin ako ay sinabi ko na lang na kay Analia na ako makikisabay. Kilala nila si Analia kasi ang ama ni Analia ay isa sa mga konsehal sa siyudad namin.
Nasa loob na ako ng bahay nang marinig ko ang galit na boses ni Mama na may kausap. Nag-aaway na naman sila ni Papa... Hay naku! Hindi na nagsawa...
Ang totoo ay nakakasawa na pakinggan ang pag-aaway nina Mama at Papa... Ulit-ulit ko nga tinatanong sa isip ko kung bakit kasi hindi na lang sila maghiwalay? Gusto ko na sila tanungin niyan. Paulit-ulit lang din naman pinagtatalunan nila.
"Stop acting innocent, Louisianna... I know your kind. Playing sweet but you are nothing but a slut*!"
Louisianna? Si Louisianna ang inaaway ni Mama? Pero... bakit?
Slut*?
Never ako nakialam sa away nila ni Papa pero this time... bakit pati si Louisianna inaaway na ni Mama?
Lumapit ako sa study at papasok sana nang may putok ng baril akong narinig kaya mabilis kong itinulak ang pinto. I saw Louisianna crying and trembling habang nakatingin kay Mama. Nilapitan ko si Mama.
"Sa susunod na makita pa kita na kagaya ng kanina ay sisiguraduhin ko na tatama na ang bala sa noo mo," banta ni Mama at iniwan na si Louisianna.
"Mama..." tanging nasabi ko at hinawakan siya sa braso pero tinabig niya lang ang kamay ko at lumabas na ng study.
Naiwan ako sa study kasama si Louisianna na umiiyak na napaupo sa sulok. Nakakaawa siya. Si Mama talaga...
"Anong nangyari?" tanong ko kay Louisianna.
Hindi siya sumagot at umiyak lang.
"Bakit nagalit sa 'yo si Mama?" tanong ko sa kaniya at tinabihan siya sa sahig.
Mama is a markswoman. She knows guns. Kakaiba si Mama sa lahat ng mama... magaling siya sa baril at marunong siya sumuntok at self-defense... she knows some stuff but she doesn't know how to be a real mother.
Thinking... I sighed on the last part.
Tinitigan ko si Louisianna, magulo ang damit niya at kahit ang buhok niya. Hindi ko alam paano siya papatigilin sa pag-iyak, nag-aalanganin na ipinatong ko ang kamay ko sa ulo niya. Iniiwasan kong masagi ang tainga niya na pinadaplisan ni Mama ng bala.
"Huwag ka na umiyak..." I said while patting her head like what I was doing always kapag umiiyak si Paige o Logan at pinapatigil ko. Effective sa kanila iyon eh.
BINABASA MO ANG
TRACE DIMAGIBA (Wild Men Series 1)
Romansa-COMPLETED- SPG | R18 | Matured Content Read at your own risk! "You look good." Humakbang ako palapit kay Chloe. Kunot-noo siyang nakatingin sa akin. Nalilito. Naguguluhan. "Look at you... Kahit balot na balot ka. My body..." Kinuha ko ang kamay...