TRACE
Magpasalamat na lang ang gagong Alguien na 'to at umiiwas ako sa gulo ngayon para kay Chloe. Magpasalamat siya dahil kung hindi lang sa putanginang presscon ngayon ay handa akong makipag-basagan ng mukha sa kaniya. At ang gago... pagkatapos direktang aminin na ang kahinaan ko ang inaabangan niya ay akala niya siguro ayos lang sa akin ang pasimpleng banta niya.
Tiningnan ko ang dalawang robot niya. Mas mukhang mga robot kasi kaysa sa tao, for I know how Alguien treated his men. Bawal ang mga ito magsalita, bawal ngumiti, at kulang na lang ay bawalan niyang huminga. Alguien is a tyrant boss at kung demonyo ang tingin sa akin ay hindi ko na alam kung anong uri pa itong nasa harap ko.
But I know why he became like this... Kung akala ni Alguien ay ako lang ang may kahinaan ay nagkakamali siya dahil alam ko rin ang kahinaan niya. Malas niya lang at kahit hindi niya ilantad ay alam ko kung saan mahahanap. Kahit itago niya pa at magkunwaring wala na siyang pakialam ay alam kong ikababaliw niya kapag binanggit ko ang pangalan para ipanakot sa kaniya.
Trace!" The musical voice of Chloe calling my name disturbed my plan to get even with this Annoying Alguien in front of me. And fucking hell! Dahil sa pagtawag ni Chloe ay ang aalis na sanang bwesit na Alguien ay huminto at lumingon.
Hindi ko gusto ang ngisi ni Alguien habang nakatingin kay Chloe. Nakikita ko ang demonyong tuwa niya dahil papalapit ang kryptonite ko na sinasabi niya.
Hayup na 'to! Subukan niya lang galawin si Chloe at uubusin ko talaga silang mga Esposito at idadamay ko pa pati mga kamag-anak niyang Ivanov.
Pero dahil ayokong matakot si Chloe ay kailangan kong magpanggap na ayos lang akong nakikipag-usap sa tarantadong ang ngisi ay... unti-unting nawawala? Teka! Bakit parang nakakita ng multo ang gago?
Napakunot ang noo ko dahil titig na titig ang siraulong Alguien kay Chloe nang tuluyang makalapit na sa amin. Although Alguien was wearing his shaded eye glass, I can still saw his eyes. Habang nakahawak na si Chloe sa akin ay nakita ko ang nalilito niyang tingin sa mahal ko.
"Que belleza..." Alguien said while giving Chloe a stern look. Nasa mukha niya ang manghang-mangha na nakatitig sa magandang babae na nakakapit sa braso ko.
Gusto kong ilayo na si Chloe roon, pero kapag ginawa ko 'yon, ay parang sinabi ko na ring natatakot ako sa kalokohan ni Alguien.
"Ms. McIntyre, right?" Alguien asked Chloe in his wondering tone.
"Yes," Chloe smiled after being confused that the man knows her at napasulyap pa sa akin. "And you are... Trace's friend? I assume," Chloe asked Alguien.
Gusto ko sabihan si Chloe na huwag nakikipag-usap sa estranghero. Pero paano ko ba pagsasabihan ang babaeng simula noong maliit pa hanggang ngayon ay mukhang hindi kayang sundin ang simpleng bilin na... don't talk to strangers?
"Si, mi hermosa señorita." Nakakabwesit na papogi pa ni Alguien na nakatitig pa rin kay Chloe.
Chloe giggled at gusto kong mainis. Parang gusto ko siyang ilayo at iuwi na. Not that I don't trust her pero hindi ko gustong natutuwa siya kay Alguien. Matuwa na siya kahit kanino huwag lang kay Alguien.
"I am not good in Spanish but I can understand..." Chloe started to explain hanggang kung ano-ano pa ang kinukuwento niya.
BINABASA MO ANG
TRACE DIMAGIBA (Wild Men Series 1)
Romance-COMPLETED- SPG | R18 | Matured Content Read at your own risk! "You look good." Humakbang ako palapit kay Chloe. Kunot-noo siyang nakatingin sa akin. Nalilito. Naguguluhan. "Look at you... Kahit balot na balot ka. My body..." Kinuha ko ang kamay...