Season 2: 13*

915 11 0
                                    

TRACE

Nakatitig lang ako sa karagatan. Payapa ang dagat at ang estimated na dating namin sa pier ng Puerto Princesa City ay thirty minutes na lang. Ang plano kong maagang pag-alis kanina sa Agrianthropos ay hindi natuloy dahil nang nasa hotel kami, para kausapin ko sana si Isaiah, ay saktong nandoon sina Logan at Calli.

When Chloe was introduced to Calli ay nakita ko na naman ang malungkot niyang reaksyon, she is thinking of her sister again, of course, halos magkatunog ang mga pangalan eh. But instantly, while she was talking to Callista ay naging okay na sila agad. Habang nag-uusap nga kami ni Logan ay nag-uusap din sina Chloe at Calli.

Pasulyap-sulyap ako sa kanila at natuwa ako na nakikitang mukhang nagkakasundo sila. Sigurado rin ako na pagbalik namin dito sa isla ay baka hanapin pa ni Chloe si Calli. Mas mabuti naman para mabawasan ang lungkot ni Chloe dahil kay Carly.

When Logan said they need to go at inakbayan ang asawa palabas ng Deversorium ay hindi ko maintindihan ang sarili ko na bakit parag nainggit ako kay Logan na nahanap na ang babaeng makakasama habang-buhay. Babaeng-tanggap siya at ang magulong buhay niya. Not sure kung pati pagkababaero niya tanggap, pero natutuwa na rin ako para kay Logan.

When my phone's got a signal ay sunod-sunod na notification na ang natanggap ko, kaya naisip ko na puntahan si Chloe, para tuparin ang sinabi na papayagan ko na siyang tumawag sa family niya.

Lumakad na ako papunta sa hagdan pababa sa lower deck nang maalala ko ang napag-usapan sa meeting kaninang umaga bago ako umuwi sa manor...


"Si Christine ang dahilan ng galit ni Nite sa Foedus, and that made Nite one of important member of this organization," ani Lev na kumuha ng atensyon ko. Napatitig na lang ako sa kaniya, thinking kung anong pinagsasabi niyang kagaguhan. After magtraydor ng gago na iyon, naging importante pa sa Foedus?!

"Puta! Kanina ka pa, Tanders!" palag ko na. "Pero teka mali... hindi lang pala kanina. Nakaraan ka pa! Ano ba ang mayro'n 'yang Nite na 'yan para pahalagahan pa natin?!" pikon na pikon na ako. Ayaw kong magalit kay Lev pero sa ganitong walang linaw na rason ay gusto ko na talagang magrebelde laban sa grupo.

"Naguguluhan na rin ako, Lev. Bakit kailangan pa proektahan si Nite? It was clear that he did unforgivable sin to Foedus. And we have rules that need to execute, para hindi na 'yan tularan ng iba."

"Alam na natin ang rason niya. Si Christine," dugtong ko sa sinabi ni Elliot na himala at kampi sa akin ngayon. " But we have his life in our hands now. Pwedeng-pwede na natin siyang alisin sa mundo para makauwi na siya sa impyerno at hinihintay na siya ng tatay niya do'n!"

"He has the blueprints of the island," turan ni Lev sa kalmado niyang boses na ikinalaki ng mga mata ko at nagkatinginan naman ang lima na hindi rin inaasahan ang rebelasyon ni Lev. "At ang puking inang si Nite, kapag namatay, ay malalantad lang naman ang blueprints ng isla sa underground society. Alam niyo na siguro ang magiging resulta kung sakali."

Naningkit ang mga mata ko sa narinig. At kung gaano akong nagagalit ngayon ay pareho lang din ng anim na kasama ko.

Blueprints? The fuck! Ako ang nagdisenyo ng isla, ako lang ang nakakaalam ng mga sikretong lagusan. Kahit ang anim na nasa harap ko ay hindi pa alam ang lahat ng iyon. Pero ang blueprints na kaming pito lang ang nakakaalam... Tangina! That could endanger us. That could make us the target of any other organization na mainit na sa amin dati pa.

Tangina talaga... In this kind of world, even an alliance could be an enemy if they find out our weakness. Badtrip na naihilamos ko na ang palad ko sa mukha.

TRACE DIMAGIBA (Wild Men Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon