Chapter 3

3K 41 10
                                    

Yahcinth

Nang balikan ako ng malay ay nasa isang pribadong ospital na. Nasa apat na sulok ng isang silid na napi pinturahan ng kulay puti ang dingding.

Dito ako isinugod agad nila Donna at Troy nang mawalan ako ng malay kanina.

Isang doktora ang sumuri sa akin at napag alaman ko ang sanhi ng pagka hilo ko. Matapos makalabas ng doktora at magbilin ng reseta ay agad na binalingan ako ni Donna na halata sa mukha ang sobrang pag aalala.

"Friend...", ni hindi nito maituloy ang sasabihin. Batid kong alam na nya ang kondisyon ko na kahit ako ay ngayon lang din napagtanto.

With all the symptoms...

Bakit nga ba hindi ko agad napansin?

Kinagat ko ang ibabang labi at nag iwas ng tingin dito. My eyes started to water. Naramdaman ko ang paghawak nito sa aking kamay. Bahagyang pinisil iyon. "G-Gusto mo bang tawagan ko sya para ipaalam?", maingat nitong tanong na ikinabalik ng mga mata ko rito. Wala sa mukha nito ang panghuhusga para sa akin bagkus ay pang unawa at pag aalala ang nakikita ko.

Hindi ako agad nakasagot. Hindi pa kasi tuluyang pumapasok sa sistema ko ang kalagayan ko ngayon. Hindi pa rin ako makapaniwala.

"Okay lang naman kung ayaw mo. Nandito naman ako. Kami ni Troy. Tutulungan ka namin. Hindi ka namin pababayaan. Kayo ng...b-bata", sa sinabi nito ay doon na pumatak ang luha ko.

I don't have second thoughts with Donn's help. Sigurado akong hindi ako bibiguin nito sa sinabi.

Pero ang tanong ay kung kakayanin ko ba? Kakayanin ko bang mag isa nang wala si Franzen sa tabi ko?

Hindi na lang ang sarili ko ang iniisip ko ngayon. May isa pang buhay ang kailangan kong intindihin.

But thinking if this baby could somehow help our relationship to go back to the way we were...

Then,

"I'll let Franzen know about my p-pregnancy. He has the right to know about my condition", determinado kong sabi sabay pahid ng luha sa aking pisngi.

He needs to know na magkaka anak na kami. Baka kapag nalaman nito ang kalagayan ko ay manumbalik ang dating ito.

Donna held my hand and gently squeeze it like telling me she got my back.

***

Makalipas ng dalawang araw magmula nang makalabas ako ng ospital ay nagtungo ulit kami ni Donna sa opisina ni Franzen.

Hindi pa nga sana dahil nagpapalakas pa 'ko pero nang mabalitaan ni Donna mula sa isang kakilala na nagta trabaho roon na paalis ng bansa ang binata ay agad na nagtungo kami roon kahit na makulimlim ang panahon at mukhang nagbabadya ng pag ulan ang kalangitan.

Hindi na rin kasi sinasagot ni Franzen ang mga tawag ko. Nang huling subok ko ay cannot be reach na hanggang sa hindi ko na talaga ma contact ang number nya. Did he also block my number?

Nang makarating kami ay may mga nakahilerang sasakyan sa tapat ng building. Alam kong ang isa roon ay si Franzen ang gagamit.

"Excuse me po", sabay hawi ni Donna sa ilang nakaharang na tao. Pero hindi naman kami tuluyang maka lapit dahil sa may mga nakabantay ulit na security personnel.

Hanggang sa ilang mga nakasuot ng itim ang magkakasunod na lumabas mula sa entrance ng building. Napako ang tingin ko roon at hinintay ang sunod na lalabas.

Para akong isang fan na excited na nag aabang na makita ang iniidolo. But mine is different...

"Ayon sya, friend, oh!", malakas na sabi ni Donna sabay turo roon. Hindi nga ako nagkamali nang makitang lumabas doon si Franzen kasunod ang ilang bodyguards na pawang mga naka itim din. All his bodyguards are tall pero mas nangingibabaw pa rin ang binata. My heart started to beat fast habang papalapit ito.

Never Let Go (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon