Chapter 7

3K 40 8
                                    

Yahcinth

Pagka galing ko sa part time job ay dumiretso ako ng uwi sa bahay. Dapat nga sa shop ang tungo ko pero nag text sa akin si Mona at sinabi na may naghahanap daw sa akin sa bahay.

Hindi naman daw nito kilala. Tatlong lalake raw iyon na mga nakakulay itim na suit na bumaba sa isang mamahalin na kotse. Napakunot noo ako habang binabasa ang mensahe nito.

Nakakapagtaka lang na may pupunta sa bahay na katulad ng sinabi nito para hanapin ako. Sa anong dahilan? Eh, hindi ko rin naman kilala ang mga 'yon.

Kaya agad na tinawagan ko si Mona at pinagbilinan ko na hwag magpapasok ng kahit sino. Huwag din palabasin ang anak ko at panatilihing nakasara ang gate hanggat hindi pa ako dumarating.

Kung talagang ako ang sadya ng mga iyon ay maghintay sila sa labas. Ayokong may ibang tao sa bahay ko pag si Mona at Francine lang ang naroon. Paano kung masasamang tao pala ang mga lalakeng 'yon?

I won't risk the safety of my child at ng taga pag alaga nito. Parehas pa namang babae.

Kaya nagmadali akong makauwi at nang marating ang sa amin ay nakita kong may naka park na sasakyan doon kung saan may tatlong lalake nga ang nasa labas ng gate ko. Ang isa ay nakasandal sa kotseng itim habang ang dalawa naman ay nakatayo mismo sa tapat ng gate ko at may kung anong pinag uusapan.

Nang malingunan ako ng isa ay napatayo ito ng tuwid. Sinenyasan ang dalawang kasamahan na napagawi rin ang tingin sa akin. Tingin ko ay kilala na nila ako.

Napalingon-lingon ako sa paligid. May mga tao naman sa labas. Ang iba ay pansin ko ang palihim na pagsulyap sa tatlong lalake na para bang nagtataka kung sino ang mga iyon. Imposible naman kasing may magawing katulad nila sa lugar namin. May mga bata rin akong napansin na naglalaro at nagta takbuhan sa di kalayuan.

Kaya kung sakaling may gawin ang tatlo na hindi maganda ay may makakakita agad na kapit-bahay. May mahihingian ako ng tulong kung sakali.

Nang makalapit ako ay isa-isa ko silang tinapunan ng tingin. They are in their professional uniform. Mga naka black suit nga at disente tingnan. Kilala ko ang ganitong ayos nila.

Minsan ko nang nakita ang ganitong mga lalake noong nagpupunta pa ako  sa opisina ni Franzen. Mukhang alam ko na kung sino sila.

Mga tauhan malamang ng binata na pinapunta nito rito.

"Anong kailangan nyo?", matapang kong tanong. Palihim na sinulyapan ko ang bahay. Buti at nakasara nga ang pinto at ang mismong gate. Kahit bintana ay nakasara rin. Buti na lang.

"Good afternoon po, Ma'am", magalang na bati ng isa.

"Bakit nyo 'ko hinahanap?", diretsong tanong ko.

Tumikhim ito at tumingin sa dalawang kasama. May inabot ang isa rito. Kinuha nito iyon at iniabot naman sa akin.

Tiningnan ko lang iyon pero hindi ko kinuha.

"Ano 'yan?", mataray kong tanong habang nakataas ang isang kilay.

"Invitation po galing kay Sir Lev. Pinabibigay po nya sa inyo."

Bumuntong hininga ako at kinuha iyon saka binasa ang nasa loob. Mismong sulat kamay ng binata iyon. Hindi ako pwedeng magkamali.

He's inviting me for a dinner. Bukas iyon ng gabi. Nakasaad doon ang oras at kung saang restaurant kami magkikita. Ipapasundo nya raw ako sa mga bodyguard nya.

Hindi ko alam kung anong motibo nya kung bakit nya ginagawa ito. Una iyong mga pinadeliver nyang mga bulaklak dito tapos ngayon ito naman.

Nagpadala ng mga tauhan nya para lang ipabigay ang invitation nito.

Never Let Go (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon