Third Person POV
"Pinababalik po sa inyo, Sir. Hindi po tinanggap ni ma'am ang mga bulaklak"
Ilang magkakasunod na suntok ang pinakawalan nya sa punching bag at isang malakas na sipa.
Ramdam nya ang pagdausdos ng pawis sa kanyang noo pababa sa sintido. Ang kanyang leeg at likod ay pawisan na rin. Bakat na iyon sa suot nyang itim na sando.
"Pinunit po ang invitation, Sir. Hindi raw po pupunta."
Damn it!
Ilang suntok pa ang pinakawalan nya. Halos matumba at masira ang bag sa tindi ng lakas ng kanyang mga patama. Tila roon nya binaling ang nararamdaman.
Hinihingal na sya pero patuloy pa rin sa magkakasunod na suntok at sipa.
Hindi nya mapigilan ang sarili.Galit sya.
Pero mas higit sa kanyang sarili.
Sa huli ay pinakawalan nya ang isang napakalakas na suntok na talaga namang ikinapaling ng punching bag. Kung tao lang iyon ay malamang na knock out.
"Wew! What a strong punched!"
Natigil si Franzen sa akmang pagsuntok muli at napabaling ng tingin sa dumating.
Naibaba nya ang kamao nang mapagsino ang taong nasa kanyang mansion
Nakangisi ito.
Mukhang may kalokohan na namang ginawa ang kumag.
Tinanggal nya ang suot na boxing gloves sa kamay habang ang matitipunong dibdib ay nagbaba taas sa hingal. Kinuha nya ang isang tumbler na may lamang tubig. Ininom iyon habang ang mga mata ay nakatuon kay Symon.
"What?", tanong nya nang maibaba ang lagayan ng tubig sa mesang naroon. Hinablot nya ang towel na nasa upuan at ipinunas sa pawisang mukha. Pati leeg at braso ay pinunasan na rin.
"Ang init ng ulo, ah", puna nito matapos alisin ang tingin sa punching bag na halos umimpis na.
Obviously ay alam naman nito ang dahilan. Nagtatanong pa talaga para lang inisin sya.
"Ba't nandito ka ng ganito kaaga? Yari ka sa asawa mo kapag nalaman nyang naggagala ka lang kesa alagaan si Leland", tukoy nito sa anak ni Symon.
"Nagpaalam naman ako kaya alam nyang nandito 'ko and correction, tanghali na...", sagot nito at nilapitan ang naroong upuan matapos nitong makipag fist bump sa kanya.
Nasundan nya ito ng tingin. He can see a happily married man sa itsura nito. Having a loving wife and son is the main reason.
Bagay na hinihiling din nya na magkaroon. Asawa at anak.
Nang makaupo ay tinaas ni Symon ang dalawang paa sa mesa at sumandal sa kinauupuan. Feeling at home talaga! Napailing na lang sya.
"Bakit nga?"
Ngumisi lang ito sa kanyang pagtataka.
"Spill it! Kung ayaw mong ikaw ang masapak ko", ngunit tinawanan lang sya nito.
"Tigilan mo ko, Fulton! Umuwi ka nga sa inyo. Hwag mo kong abalahin dito..."
Akmang isusuot nya muli ang boxing gloves nang matigilan sa sinabi nito. Kinunutan nya ito ng noo.
"Tama ang rinig mo. Nasa park ako kanina at nakita ko ang fiancee na iniwan mo...", wala sa tono nito na iniinsulto sya. He was just stating the fact.
He kept his engagement with his friends and plan to tell them kapag may exact date na ang kasal. Pero naiba ang ihip ng hangin.
BINABASA MO ANG
Never Let Go (Completed)
Romance"I'm p-pregnant...", walang kurap kong sambit sa mahinang boses. Saglit itong natigilan sa sinabi ko. He licked his lower lips. Napailing. "Anong kinalaman ko sa pagbubuntis mo?", mahina ngunit mariin nitong tanong at kay talim ng mata sa akin. N...