Chapter 23

2.4K 33 6
                                    

Yahcinth

Nang magising ako ay wala na ito sa kama. Niyuko ko ang sarili. I'm already wearing his shirt na malamang na isinuot nito sa akin nang natutulog ako. Mabilis na kumilos ako para mag ayos ng sarili. Pagkatapos ay sinilip ko ang anak ko sa kabilang kwarto pero wala rin iyon doon.

Magkasama ba ang mag ama?

Bumaba ako at nakasalubong ko si Manang Thelma. Agad na itinanong ko kung nasaan ang dalawa.

"Nasa gazebo at doon nagpahatid ng almusal para sa anak ninyo. Ipina pagising ka pa nga sa akin dahil gustong kasabay ka sa pagkain", ani Manang.

Nagpaalam ako na pupuntahan na ang dalawa. Naglalakad ako pagawi ng gazebo nang mapabaling ang tingin nya sa akin. Kahit malayo ay kita ko ang pag guhit ng ngiti sa labi ni Franzen.

"Mommy!", kaway sa akin ng anak ko nang makita ako habang nakataas ang isang kamay at hawak ang kutsara.

I kissed Francine's cheek nang makalapit ako. She's eating cereals with milk.

"Where's mine?", ungot ni Franzen nang makita ang ginawa ko. Pinaupo nya ako sa tabi nya habang ito ang katabi ng anak ko.

"Nakarami ka na", bulong ko. Kagabi nga ay naka ilan na ito sa akin. Pinagbibigyan ko naman dahil hindi talaga ako titigilan kakakulit.

I heard him laugh and look at me lovingly. "Isang kiss lang naman...", ungot pa rin nito sa mahinang boses.

"Hindi lang halik ang nakuha mo sa'kin. Higit pa nga", sansala ko. Hininaan ko rin ang boses.

Napailing naman ito pero may kontentong ngiti sa labi.

"Mommy...is my baby sister already in your room?", biglang tanong ng anak ko sa'kin na kinabaling ko kay Franzen.

Kung ako ay nagulat sa tanong ng anak ko, ito naman ay parang normal lang ang narinig.

I cleared my throat. I open my mouth to say something pero hindi ko alam ang isasagot sa biglaang tanong ng anak ko. Siniko ko ang katabi dahil sigurado ako na may kinalaman ito kung bakit ganito magtanong ang anak namin.

Nagkibit balikat lang si Franzen nang samaan ko ng tingin. Ni hindi man lang ito natinag. Kala mo ay walang alam.

"Daddy said my baby sister will come once I sleep to other room because she's shy", dagdag pa ng anak ko. Ngayon ay alam ko na kung bakit madaling napalipat nito si Francine.

Kaya pala hindi na ako tinantanan sa kama dahil sa sinabi nito sa bata. Gusto nitong makabuo kami.

I look at my daughter. Nasa mukha nito ang pag asam na magkaroon ng kapatid. Ayaw ko mang makita itong malungkot ay hindi ko naman kayang magsinungaling sa kanya. Ayokong paasahin sya kaya mabuti na ang magsabi ng totoo. "Anak..hmm kasi ano, s-she's not yet he—"

"Soon..you'll meet her. Wait a little bit more, baby", agad na putol nito sa sasabihin ko. Masayang tumango naman ang anak ko sa sinabi nito saka bumalik sa pagkain. Pinanlakihan ko naman ng mga mata si Franzen to give him a warning.

"Malay mo may nabuo ako kagabi", bulong nito na ikinasinghap ko. "Kung wala pa, dadalasan ko pa", pilyo nitong wika. I pinched the side of his waist pero hindi man lang nito ininda. He gets my hand instead and placed it in front of his bulging center. Namilog ang mga mata ko. He's hard!

Good thing at busy ang anak ko sa pagkain at hindi napansin ang ginawa ng ama nito. Natatakpan din naman kasi ng mesa ang ibaba nito.

Hinila ko ang kamay at inirapan ito.

Hanggang sa dumating na ang almusal naming dalawa dala ng isang katulong.

Sa pagkain ko na lang itinuon ang atensyon dahil kung papansinin ko ang katabi ay lagi na lang may maloko at pilyong ngiti sa labi sa tuwing titingnan ko.

Never Let Go (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon