Chapter 18

2.5K 40 5
                                    

Yahcinth

It's Saturday at nandito kami ngayon sa office nya. Kanina sa bahay ay pinasundo nya kami sa mga tauhan nya papunta rito. Hindi ko alam kung bakit. Basta ang sabi raw sa kanila ay sunduin kaming mag ina nya. I sighed.

Naninibago akong pumasok dito because the last time I went here...hindi maganda ang nangyari.

But here I am now...on the same building with our daughter.

"Mommy...that's Daddy!", turo ng anak ko sa malaking poster na nakadikit sa pader. I nod at Francine.

Yes, the one on the poster is none other than her Daddy. Franzen looks so powerful and intimidating on that poster pasted on the glass wall. Pero hindi maikakaila ang kagwapuhang taglay nito.

"Ma'am...this way po. Hinihintay na po kayo ni Sir Lev sa loob", imporma ng lalake na tingin ko ay syang bagong secretary ni Franzen.

Habang naglalakad kami ng anak ko sa carpeted na hallway ay nadadaanan namin ang mga awards na na-achieved ng kumpanya nito sa nakalipas na mga taon. Naka frame ang mga 'yon at nakasabit sa puting pader.

"Mommy, saan po tayo pupunta?", kuryosong tanong ng anak ko. Palingon-lingon ito. Pinisil ko ang kamay nitong hawak ko at sinabing pupuntahan namin ang Daddy nya. Halata ang pagkasabik dito.

Pagkatapos kasi ng birthday ng anak ko ay naging busy na si Franzen. Bihira na rin nya akong masundo sa shop na naiintindihan ko naman. May responsibilidad itong naiwan sa trabaho. Hindi lang naman sa amin umiikot ang buhay nya. Kaya minsan ay mga tauhan nito ang pinapapunta nya sa shop upang sunduin ako.

Kumatok ang secretary sa isang pinto bago iyon pinihit pabukas. "Pasok na po kayo, ma'am. He's already expecting you", magalang nitong wika. Nang makapasok kaming mag ina ay agad din nitong isinara iyon.

Bakante ang upuan sa likod ng malaking mesa. Nasa'n na 'yon? Inilibot ko ang tingin sa loob. Wala namang masyadong ipinagbago iyon bukod sa ilang kagamitan na pinalitan na.

Si Francine ay bumitaw sa akin at tumakbo papalapit sa sofa na naroon. Hinagilap nito ang mga nakapatas sa lameseta kaya nilapitan ko.

"Anak, hwag mong guluhin...", awat ko nang binuklat-buklat nito ang mga magazine. "Francine, no —"

"Let her..."

Nilingon ko ang pinagmulan ng boses at kalalabas lang nito sa extension room.

"Daddy!", patakbong lumapit ang anak ko rito at binuhat naman ni Franzen.

"You miss, Daddy?", tanong nito matapos halikan ito sa ulo. Francine nod at him.

Naglakad palapit sa akin ito habang buhat pa rin ang anak ko. Sa pagka bigla ko ay hinapit ako nito at hinalikan sa noo. "I miss you...", he whispered na ikinailang ko.

Nagpababa si Francine kaya natutok sa akin ang atensyon nito. Nailang ako sa mga titig nya kaya umiwas ako. I look at my daughter instead.

Hinuli nya ang tingin ko at pilit hinarap sa kanya. "Hindi ako nakapunta sa inyo kanina dahil sa biglaang meeting...just this morning", umpisa nito. Napatango na lang ako.

Hindi naman nya kailangan magpaliwanag. Sa tono kasi ng boses nito ay parang hinayang na hinayang na hindi kami napuntahan. Kahit naman hindi sya pumunta every weekend sa bahay ay ayos lang. Pwede pa rin naman nyang makita ang anak namin kahit anong araw...or even after work kung may oras pa ito at hindi pa pagod.

Kahit na ayaw ko ay napilitan na rin akong i-share si Francine sa kanya para hindi malungkot ang anak ko. Tiyak kasi na hahanap-hanapin na nito ang ama ngayon na nakilala na nito si Franzen. Kaya pumayag ako sa ganitong set up na every weekend ay nasa bahay namin ito.

Never Let Go (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon