Chapter 14

2.4K 38 8
                                    

Third Person POV

"Anyari r'yan?", bungad ni Corby pagkarating sa Beauregard. Hinayon nito ng tingin si Franzen na ngayon ay nakasubsob na sa lamesa.

"Sinimulan kasi 'to ni Max, eh", palatak ni Symon.

Ngumisi si Corby. "Bakit? May sumpa ba?"

"Sya ang unang nakaranas ng ganito sa grupo. Natapos na si Clarence at Symon...si Franzen naman ngayon", usal ni Yvar.

"Mukhang ikaw ang next...", nakangising asar ni Corby rito.

Yvar smirked. "Baka ikaw", makahulugang sambit nito kay Corby na ikinailing lang ng kaharap.

"Imposible. At hindi ako iiyak at magpapakalasing ng ganyan sa isang babae", ani Corby at kumuha ng isang lata ng beer. Binuksan iyon at diretsong ininom.

"Wait until you meet your own queen", si Clarence na may nagtatagong ngiti sa labi.

"Huwag kang magsalita ng tapos. Baka kainin mo 'yang sinabi mo", segunda ni Symon na natatawa.

Nag fist bump pa si Clarence at Symon nang magkatinginan. Parehong iisa ang nasa isip.

"May alam kayo?", tanong ni Yvar nang mapansin na may kakaiba.

Ngumisi si Clarence at tumingin kay Corby. "Tanungin mo ang isang 'yan. Tingin ko namomroblema ngayon 'yan, hindi lang nagsasabi", makahulugan nitong wika.

"G*go!", nagpatuloy sa pag inom si Corby ngunit isang magandang imahe ang lumitaw sa kanyang isipan. F*ck!

"Anong gagawin pala natin sa isang 'yan?", tukoy ni Clarence sa kaibigan na nakatulog na sa kalasingan.

"Ano bang nangyari?", kuryosong tanong ni Corby. May hinala na sya pero gusto nyang makatiyak kung iyon ba ang problema ni Franzen.

Dahil si Symon ang pinaka nakakaalam sa nangyayari kay Franzen ay ito na ang nagsabi sa mga kaibigan. Sya rin naman kasi ang unang nakaalam ng lovelife ni Franzen. Di sinasadyang nakita nyang magkasama ang dalawa noon.

Dahil kailangan ng isa sa kanila ng tulong kaya walang dapat na itago. Lalo na sa kinakaharap ngayon ni Franzen. Kaya sinimulan nyang ikwento ang dapat malaman ng mga ito.

"Sa kanya 'yung bata...", pagtatapos na kwento ni Symon na ikinagulat ng mga kasama. He even told them about the child's pictures the he took at the park. Na hawig ni Franzen ang bata kahit nga hindi na nito ipa DNA pa ay masasabing anak talaga nito.

Imposibleng kay Bernard kahit pa nga ba half brother pa ni Franzen iyon ay malaki pa rin naman ang pagkakaiba ng dalawa sa itsura. Bernard got most of his features from the mother unlike Franzen that has a big resemblance to his father.

Napamura si Corby.

Napataas naman ang isang kilay ni Yvar sa narinig.

"Iniwan nya 'yung fiancee nya noon dahil sa akalang may lihim na relasyon ito sa kapatid nya tapos malalaman nyang anak pala talaga nya 'yung pinagbubuntis...t*ngina! Problema nga 'yan", napailing si Clarence. Kung sya nga na hindi agad pinaalam sa kanya ang tungkol sa anak nya ay sobrang sakit na sa parte nya. Ano pa kaya ang kay Franzen?

Pero kasalanan din naman ng kaibigan nya. Dahil hindi naman itinago ang bata. Umpisa pa lang ay pinaalam na rito but he denied it. Kaya hindi nya masisisi ang fiancee nito dahil si Franzen ang unang nang iwan at tumanggi sa bata.

Pareho naging biktima ang dalawa ng masamang plano ni Bernard. Nasa babae na lang kung mapapatawad at mapag bibigyan pa nito si Franzen matapos ang nangyari.

Never Let Go (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon