Yahcinth
I'm tapping my phone on my palm while waiting for Franzen's text or call. Nagpapabalik-balik na 'ko ng lakad dito sa silid nya sa kakahintay.
Sila Donna at Troy ay pinagpahinga ko muna sa guest room. Mula pa sa byahe ang dalawa at alam kong pagod pa ang mga iyon nang dumiretso rito.
Naupo ako sa kama at tiningnan ulit ang hawak kong phone. Naroon na gusto kong ako na ang tumawag pero pinipigilan ko lang.
Hindi ito ang oras para dumagdag pa ako sa iniisip ni Franzen. I know he's worried too at ayoko nang maka dagdag pa.
Napahikab ako. Nahiga ako sa kama nang makaramdam ng antok. Inilagay ko sa aking tabi ang cp para madali kong marinig kapag tumawag si Franzen.
Nakatulog ako ng halos tatlong oras at nang magising ay pasado alas dos na ng hapon. Lagpas tanghalian na.
Agad na tiningnan ko kung may bagong text o calls sa akin pero kahit isa ay walang nakaregister.
Hindi ko mapigilang hindi mag isip kung kumusta na ba sila Franzen. Si Francine kaya? Nailigtas na kaya nila? Nakuha na ba nya kila Obet?
Nagsend ako ng panibagong message kay Franzen at itinanong iyon. Nagtungo ako ng banyo at naligo. Pagkatapos kong magbihis ay binalikan ko ang phone pero walang reply.
Lumabas ako ng silid at nagtungo ng kusina.
"Kakain ka na ba? Ipaghahain kita", wika ni Manang Thelma nang makita ako. Tumango ako at humila ng upuan nang may maalala.
"Sila Donna at Troy po pala?"
Mula sa pagkuha ng kanin sa rice cooker ay saglit na nilingon ako ni Manang.
"Tapos na silang kumain. Naroon ang dalawa sa hardin at nagpapahangin", sagot nito bago binalikan ang ginagawa samantalang ako ay sinubukang tawagan naman si Franzen nang makaupo.
Cannot be reach ang phone nito ayon sa operator. Sh*t!
Ibinaba ko ang phone sa gilid ng mesa nang inihain ni Manang ang mga pagkain sa harapan ko. May tatlong klase ng ulam syang inilapag sa mesa at isang bowl ng kanin. May pitchel ng tubig at orange juice rin.
Sinimulan kong sumandok ng kanin at ulam. Pinilit kong kumain at ubusin ang nilagay ko sa plato. Sunod kong hinarap ang maliit na mangkok na may lamang slices of fruits with sweetened cream at nang matapos ako ay agad na pinuntahan ko sila Donna sa labas.
"Yaz!", kaway sa akin ni Donna nang matanawan ako. Nilapitan ko sila rito sa gazebo at naupo sa pang isahang upuan paharap sa dalawa.
Binaba ni Donna ang tangan na baso ng juice at mataman akong tiningnan.
"Bakit ganyan ang itsura mo?, pansin nito.
"Ano ba ang dapat na itsura kapag ganitong hindi ako nirereplyan ni Franzen? Ni hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanila. Wala akong balita kung nailigtas na ba nito si Francine o kung ano na ba ang sitwasyon sa kung saan mang lupalop sila ngayon?", sumandal ako sa upuan at napaisip na naman.
Pinaningkitan ako ng mata ni Donna. "Nakalimutan mo ba kung anong klaseng kumpanya ang meron sya? His company provides security services to people. Top and leading among the rest nga ang kumpanya nya. Kaya alam nila ang gagawin. H'wag ka nang masyadong mag-iisip. All you have to do is just wait here for them to come back. Trust him... ", sinangayunan din iyon ni Troy na napapatango pa.
Sa huling sinabi ni Donna ay natigilan ako. Naalala kong sinabi sa akin ni Franzen na ibabalik nya si Francine. He did promise me that. Bakit nga ba hindi ako tuluyang magtiwala sa kanya? O dahil ba may kinalaman pa rin ito sa pang-iiwan nya sa akin noon kaya hindi ko magawang gawin?
BINABASA MO ANG
Never Let Go (Completed)
Любовные романы"I'm p-pregnant...", walang kurap kong sambit sa mahinang boses. Saglit itong natigilan sa sinabi ko. He licked his lower lips. Napailing. "Anong kinalaman ko sa pagbubuntis mo?", mahina ngunit mariin nitong tanong at kay talim ng mata sa akin. N...