Chapter 29

2.3K 26 11
                                    

Yahcinth

Dahil may harang na kurtina sa may bandang toilet bowl ay may privacy naman ako kahit papaano. Si Franzen kasi ay hindi na lumabas ng banyo at talagang hinintay akong matapos.

Panay pa ang tanong kung okay na ba? If I'm done dropping my urine in those testing kits.

I sighed.

Ipinatong ko ang apat na testing kit sa ibabaw malapit sa flush button ng bowl. I waited until it shows the result.

"Babe?"

Nilingon ko ito at nakasilip na ang ulo sa hinawing kurtina. Talaga naman! Hindi makaantay.

Nang makita nyang tapos na ako ay tuluyan itong lumapit sa akin at nakisilip na rin sa nasa harapan namin.

Hanggang sa naging visible
na nga ang mga red lines doon.

One...two

Two red lines appear in those four kits.

All positive!

Natigilan ako at hindi agad naka pagsalita.

Si Franzen ay hindi pa nakontento. Kinuha ang mga iyon at masusing tiningnan isa-isa. Comparing if all results are the same at nang matiyak nito ay kay laki ng ngiti sa labi. He looks at me pero kita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata nito. Nilapitan nya ako at mahigpit na niyakap.

Until I heard him sobbed...

He's happy. I know....

Tears of joy, ika nga.

I let him be filled with emotions. This is the first time na masasaksihan nya ang pagbubuntis ko. Wala sya noong pinagbubuntis ko ang panganay namin pero tingin ko ay babawi naman ito sa pangalawa namin.

Kinabukasan ay nagtungo nga kami sa isang kilalang clinic. He had me checked by a female doctor.

Napag alaman namin na two weeks na pala ang nasa tiyan ko. I didn't know. Wala akong ideya na buntis na pala ako sa pangalawa dahil wala pa naman akong ibang sintomas na kadalasang nararamdaman ng isang nagdadalang tao.

Hindi naman na ako baguhan sa pagbubuntis. Pero wala kasi akong naranasan na kakaiba na katulad nang pinagdaanan ko noon kay Francine.

It's just that mas naging sensitive nga lang ang pang amoy ko. Iyon lang naman.

"Thanks, Doc Haryeth", rinig kong wika ni Franzen matapos akong suriin ng magandang babae na nasa harapan namin at ngayon ay may iniaabot na piraso ng papel.

"Let her take vitamins para mas maging healthy sila ni baby and don't forget to bring her back to my clinic for her follow up check up. Importante 'yon para maalagaan ko ang mag ina mo hanggang sa makapanganak sya."

Saglit na binasa ni Franzen iyon saka nag angat ng tingin sa kaharap. "Of course...thanks again", nakangiting sagot nito.

Napailing naman ang doktora. Tingin ko ay matagal nang magkakilala ang dalawa sa paraan ng pag uusap nila.

"Sabi ko na...isa na naman sa inyong magbabarkada ang magiging kliyente ko ang asawa. Who's next? Is it Yvar...Corby?", panghuhula pa nito.

Franzen laughed at her. "Let's see...but my wild guess is Corby", tumayo na si Franzen at inalalayan akong makatayo. Nagpaalam na kami rito matapos naming magpasalamat ulit.

She just smile and wave at us.

***

Dumaan kami ng coffee shop. Hinatid ako ni Franzen nang sabihin ko pero sa kundisyon nya na hindi ako kikilos para magtrabaho. He also asked me to tell Donna about my condition para masabihan na hindi ako palaging makakapunta ng shop. Ayon kasi sa OB ko ay napaka sensitive kong magbuntis na totoo naman.

Never Let Go (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon