Yahcinth
"Yaz!"
Mabilis ang mga hakbang na tinungo ko ang entrance. Rinig ko ang habol na sigaw ni Donna para pigilan ako pero hindi ko iyon pinansin at nagtuloy-tuloy sa paghakbang.
Mabilis na sumara ang glass door ng entrance at humarang ang mga alertong taga bantay ng gusali. Ang ilang guards sa di kalayuan ay nagsipaglapitan na rin.
"Saglit lang naman ako sa loob. Papasukin nyo na 'ko. Parang awa nyo na po", pagpupumilit ko pero inilingan lang ako ng mga ito.
"Hindi po talaga pwede, ma'am. Mahigpit na pinag uutos po sa amin na huwag po kayong papasukin. Kami po ang mawawalan ng trabaho kapag hindi kami sumunod. Pasensya na po talaga...", may awa sa mga mata nang tumingin sa akin.
"Hindi naman ako magtatagal. Aalis din naman ako agad, eh. May sasabihin lang ako sa boss nyo. Importante..."
"Yaz, tama na! Umuwi na tayo", rinig kong wika ni Donna sa tabi ko at hinawakan ako sa braso pero hindi ako nagpahila. Nagpumilit pa rin akong makiusap sa mga guards.
"Sige na po...", alam kong nakakakuha na kami ng atensyon ng mga tao. May ilang napapatingin pa nga sa aming gawi. Ang ilan naman ay napapahinto pa sa paglalakad upang makiusyoso at tingnan kami...ako.
Nakakaeskandalo man ang ginagawa ko ay kinapalan ko na ang mukha dahil sa desperada na akong mag kausap kami.
Bahagyang hinila ako ni Donna nang may ilang empleyado na papasok sa loob. Nakaharang na kasi ako roon sa dadaanan.
Nang bumukas ang automatic glass door ay hinila ko ang braso mula sa pagkakahawak ni Donna at mabilis na sumunod sa mga pumasok roon pero bago pa 'ko tuluyang makapasok ay agad na nahawakan ako sa braso ng dalawang security para pigilan kasabay ng muling pagsasara ng glass door.
Hindi naman ako nasaktan dahil sa hindi naman ganoon kahigpit ang pagkakahawak nila sa akin. Para bang ayaw pa nga akong hawakan ng mga ito kung hindi lang kailangan dahil sa pagpupumilit ko.
Pero dahil sa angking lakas ng dalawang lalake ay madali para sa kanila na mailayo ako roon kahit anong pagpupumiglas ang gawin ko. Agad din naman nila akong binitiwan nang nasa may bandang gilid na kami at walang nasasagabal na tao.
Si Donna ay agad na sumunod sa amin at mabilis na hinila ako palayo sa mga ito. "Friend, tama na please. Ako ang napapagod sa'yo, eh", at pinamewangan ako. Halata sa mukha nito na ito pa ang mas nastress sa aking ginawa pero naroon ang awa para sa akin.
"Ipagpaliban mo na lang kaya muna. Sa ibang araw mo na lang sya kausapin", patuloy nito. "Malay mo sya pa mismo ang mag tungo sa shop o kaya sa bahay mo para magkausap kayo", sa tono nito ay mukhang pinagagaan lang naman nito ang pakiramdam ko.
Alam kong imposibleng mangyari iyon pero hiling ko na sana nga ay magkatotoo ang sinabi nito.
Muli kong hinayon ng tingin ang entrance. Bantay sarado pa rin iyon. Malungkot na tumalikod ako at naglakad palayo kasunod si Donna.
***
Pagkarating namin sa coffee shop ay agad na kinumusta ni Donna ang dalawang staff namin matapos kaming batiin ng mga ito. Hiningi rin ng kaibigan ko sa mga iyon ang copy ng sales invoice kahapon para matingnan.
Ako naman ay humila ng isang upuan sa isang tabi at naupo. May ilang mga customers ang nasa loob ng shop namin pero hindi naman ganoon karami. Kaya may ilang mga bakanteng mesa pa.
Maya-mayang bandang uwian ng mga empleyado at estudyante saka dadami ang dagsa ng tao rito.
Sumandal ako sa upuan. I look at the busy street outside. Maganda ang nakuha naming location ng shop dahil ang katapat nito ay isang mataas na building na maraming nag o-office sa loob. Ang katabi naman ng gusali ay isang malaking grocery store na talagang dinadayo pa ng mga mamimili. Sa di kalayuan naman ay isang school para sa kolehiyo ang matatanaw.
BINABASA MO ANG
Never Let Go (Completed)
Romance"I'm p-pregnant...", walang kurap kong sambit sa mahinang boses. Saglit itong natigilan sa sinabi ko. He licked his lower lips. Napailing. "Anong kinalaman ko sa pagbubuntis mo?", mahina ngunit mariin nitong tanong at kay talim ng mata sa akin. N...