Chapter 30

2.4K 33 10
                                    

Yahcinth

Mabilis na lumipas ang mga araw and I'm on my seventh month of being pregnant. Halata na ang umbok sa tiyan ko pero hindi pa namin alam ang gender ng anak namin ni Franzen. Pwede naman naming malaman pero gusto ko kasi ay surprise.

Nilingon ko ang pinto nang bumukas iyon. Nakangiting pumasok si Franzen. Kagagaling lang sa opisina.

Binaba ko ang hawak na suklay nang yakapin ako mula sa likuran nito sabay halik sa aking pisngi. "Ang laki na nya", sabay haplos sa bilugan kong tiyan. "Is it a baby boy or a girl?"

"Ano bang gusto mo?"

"Any of the two basta healthy kayong dalawa", umikot ito at naupo sa kama. Hinila ako at pinaupo sa kandungan nito.

"Mabigat ako", sabi ko nang pilit akong pinaupo sa mga hita nya.

Tumawa ito. "Yeah, you're getting heavier, babe..because of my child but I don't care. Kaya pa naman kitang buhatin."

Pinaikot ko ang kanang braso sa leeg nya at hinaplos ang likurang parte ng ulo. I play with his soft hair.

"Ganito rin ba kalaki ang tyan mo nang pinagbuntis mo si Francine?", patuloy pa rin ito sa paghaplos sa bandang ibabaw ng tyan ko.

"Hmm...hindi naman. Medyo maliit ang tyan ko siguro dahil first baby ko."

Napayuko ito at mukhang nalungkot.

Sinilip ko ang mukha nito. "Bakit?"

"Wala ako sa tabi mo nang pinag buntis mo ang panganay natin. Hindi kita naalagaan...", mahina ang pagkakasabi nito pero naroon ang matinding panghihinayang.

Itinaas ko ang mukha nito para makaharap ko. Namumula ang paligid ng mga mata nito. "Huwag ka nang malungkot. Bumabawi ka naman dito sa pangalawa natin. Grabe ka nga kung makaalaga sa akin. Pwede ka ng maging nurse at doktor", pabiro kong sabi. He always check on me. Halos ito ang kumikilos para sa akin. Kulang na lang ay akuin nito ang pagbu buntis ko.

Kung kaya nga siguro nitong kunin ang nasa sinapupunan ko ay ito na ang nagdalang tao para sa akin. Sa aming dalawa ay mas ito pa ang maingat.

"Gusto ko talagang bumawi dahil ang laki ng kasalanan ko sa'yo", niyuko nya ang tyan ko at masuyong tinitigan iyon. "Hindi ka ba nya pinahi hirapan?", tanong nya nang mag angat ng tingin sa'kin.

Umiling ako. Sensitive nga akong magbuntis pero mukhang behave naman ang baby namin dahil hindi ako gaanong hirap o dahil siguro nandito ang Daddy nya na todo alaga sa akin.

Hindi katulad noon ng kay Francine na talagang hirap na hirap ako. Nandoon ang madalas na panghihina, pamumutla, pagkahilo at nawalan pa 'ko ng malay na ikina ospital ko maliban pa sa nag spotting din ako.

Nakadagdag marahil ang stress sa nangyayari sa amin noon ni Franzen. Lalo na nang umalis ito at iwan ako. Ramdam siguro iyon nang ipinagbu buntis ko kaya grabe ang hirap ko.

Sinabi ko iyon sa kanya at natahimik na naman ito.

"Huwag mo nang sisihin ang sarili mo. Ang mahalaga nalagpasan ko na iyon."

He holds my hand and intertwined our fingers then looked at me. "Hinding-hindi na kita iiwan. Pangako...", and he kissed the top of my hand.

***

Napag usapan namin ni Franzen na pagkatapos ko na lang manganak ay saka kami mag aasikaso ng kasal namin. Ayoko naman kasing humarap sa altar nang malaki ang tyan ko.

Pumayag naman sya.

Sinabi ko rin na after ng kasal ay ang binyag naman. One at a time para hindi kami magahol sa oras at makapagprepare kami ng maayos.

Never Let Go (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon