Chapter 21

2.4K 32 0
                                    

Yahcinth

Natapos na kami ng anak ko sa pagkain pati ng panonood ng paborito nitong cartoon show ay hindi pa rin dumarating si Franzen.

I sent him a text message pero wala itong sagot. I wonder what's he's doing there that took him so long?

Francine is already sleeping beside me in his wide bed. Maingat na bumangon ako sa kama. Hinagilap ko ang phone sa side table. Wala pa ring reply.

I sighed.

I combed my hair using my hand. Lumabas ako ng silid at tinungo ang kusina para uminom ng tubig.

Nakasara na ang pinaka ilaw sa kusina pero dahil sa mga nakasabit na wall lamp ay may liwanag pa rin naman. Dim nga lang.

Hindi ko na pinagkaabalahan pang buksan ang ilaw dahil baka magising pa sila Manang Thelma at ilang katulong.

I proceeded on getting a glass of water at nang makainom ay muling umakyat pabalik ng silid ngunit nakakatatlong baitang pa lang ako nang marinig ang pagbukas ng pinto at iluwa noon ang kanina ko pang hinihintay na dumating.

"Franzen..."

Nag angat ito ng tingin sa akin nang tuluyang maisara ang pinto. Nilapitan ko ito at mas lalo kong nakumpirma na nakainom ito dahil sa amoy ng alak.

"Babe...", mapungay ang mga mata nito. Ang suot nitong white long sleeves ay naka rolyo na sa may magkabilang braso nito at nakabukas na rin ang ilang butones ng suot.

Kumunot ang noo ko.

"Bakit gising ka pa?", tanong nito. Sa tono ay pilit nilalabanan ang kalasingan.

Imbes na sagutin iyon ay pinaling ko ang mukha nito sa akin upang mas matitigan. Kita ko ang pamumula ng mga mata nito kahit mapusyaw ang ilaw. Dahil ba sa nakainom ito kaya ganoon iyon or did he...cry?

I was about to ask him that nang hawakan nito ang kamay ko at hatakin ako palapit sa kanya. Napasinghap ako nang niyakap nya ako ng mahigpit. "I don't want to lose you again", he whispered na ikinatigil ko. I can feel the pain in his voice. Humigpit pa ang yakap nito at masuyong pinatakan ako ng halik sa sintido. Ramdam ko ang init ng labi nya sa aking balat.

Bago ko pa maibuka ang bibig ay inaya nya akong paakyat ng silid. Inalalayan ko sya hanggang sa makaakyat kami. Medyo nahirapan ako dahil may kabigatan at malaki ang katawan nya kumpara sa akin.

Agad na binagsak nito ang sarili sa kama. Buti na lang at hindi nagising ang anak namin. Inayos ko ang higa nito. Kahit malaki ang kama ay hinila ko pa rin ito ng kaunti para hindi nito masanggi si Francine. Inalis ko na rin ang sapatos na suot.

Kumuha ako ng bimpo at binasa iyon sa mismong banyo ng silid. Ipinunas ko iyon sa mukha. He groaned when I finally removed his long sleeves nang matapos kong punasan naman ang katawan nito.

Di ko na pinagkaabalahang tanggalin pa ang suot nitong black slacks pero tinanggal ko ang belt para komportable naman ito then I cover him with a comforter.

Hininaan ko rin ang aircon matapos ilagay sa laundry basket ang damit nito. I don't want him to catch cold.

Sa tulong ng nakabukas na lamp shade ay tahimik na pinagmasdan ko ito. He looks tired and wasted! Kung galing ito sa kabilang mansion ayon na rin sa sinabi ni Manang Thelma... Bakit ganitong oras na umuwi? Saan pa ba ito nagpunta at naglasing pa?

Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa noo nito. Kahit lasing ay pansin pa rin ang tinataglay na kagwapuhan. Bahagyang nagsalubong ang kilay nito. Animo'y may kung anong bumabagabag hanggang sa pagtulog. I sighed. Hinaplos ko iyon hanggang sa nakita kong maayos na ulit ang pagtulog nito.

Never Let Go (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon