Chapter 4

3.1K 48 5
                                    

Third Person POV

After Three Years...

Nakasimangot na pinatay ni Donna and t.v matapos ang pinapanood. May kalakasan na pinatong sa lameseta ang remote control na lumikha ng ingay habang may kung anong ibinubulong-bulong sabay irap sa hangin.

Napapailing na lang si Yahcinth nang mapansin ang kaibigan. Kawawang remote, pati iyon ay napagdiskitahan pa ng kaibigan dahil sa inis. Nagma maldita na naman kasi ang itsura nito at alam nya ang dahilan kung bakit.

Sinabi naman na nya kasi na patayin na nito ang t.v at hwag nang panoorin pa ang interview na iyon pero sadyang mapilit ito. Inabangan pa nga iyon para panoorin tapos ngayon ay mag ngingitngit sa galit at inis. Dinaig pa sya.

Ang interview na iyon ay patungkol sa panibagong award na nakuha na naman ng isang kilalang agency bilang the most reliable one when it comes to giving quality service. A well trained one and guaranteed by many! Pang ilang awards na ba iyon? Among its competitors...that well known service agency is always on top and leading!

At kilala nya ang taong nasa likod ng tagumpay na iyon. Sino pa ba?

None other than...

Franzen Evan Lev!

Kahit hindi nya gustong panoorin ay parang hinihila naman ang mga mata nya na tingnan iyon. Lalo na nang marinig nya ang boses nito. Somehow, she miss hearing it. His voice still speaks of authority. Na para bang kapag nagsimula na itong magsalita ay mapapako na roon ang atensyon mo. Sa interview ay kita nya ang pinag-iba ng itsura nito sa nakalipas na taon. Mas kita nya iyon nang i-focus ang camera sa mukha ng binata. Higit nya ang hininga nang makitang ngumiti ito. That smile... Somehow, he still has this kind of effect on her. It's kinda surprising. Hindi nya ikakaila na mas lalong gumwapo ito.

Nang maiba ang anggulo ng camera ay napansin din nya ang katawan nito. His body is still well built. Malamang na alaga pa rin nito sa gym. She suddenly remembers his own gym in his mansion at Terrence Alta. Kung saan minsan na nyang nakita nang dalhin sya ng binata roon.

He still looks good after all these years. Well, good for him! Kahit na hindi naging maayos ang pagtatapos ng kanilang relasyon ay hindi naman nya ugaling humiling ng hindi maganda para rito. She still wish him all the best in life.

Masaya sya na malaman na nasa maayos ito at patuloy ang pagkamit ng tagumpay. Kahit na sya ang mas nakaranas ng hirap pagkatapos syang iwan nito.

The irony of life!

Napabuntong-hininga na lang sya. Ikinurap ng ilang beses ang mga mata nang makaramdam ng pag iinit doon.

She tries to remain calm and... unaffected as possible.

"Hay naku, Donna...tigilan mo na 'yan", puna ni Yahcinth dito sa pinasiglang tinig. Nilingon sya nito mula sa pagkakaupo sa sofa at tinaasan ng isang kilay. Taray mode on ang kaibigan nya.

"Bakit parang okay lang sa'yo?", tanong nito sa pinahinang boses. Alam naman nya ang ibig sabihin nito kahit hindi nito puntuhin pa ang nais talagang itanong.

Saglit na tinigil nya ang pagtitiklop ng damit at tiningnan ito. "May mang yayari ba kung magpapaapekto pa 'ko? Ilang taon na rin naman ang nakalipas", sagot nya sa kaibigan.

"Right! Ilang taon na nga pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Pero bakit parang balewala na lang sa'yo? Ang laki ng kasalanan nya sa'yo, ah!", paalala ni Donna. Sa kanilang dalawa ay parang ito pa ang iniwan. Mas apektado pa nga ito sa nangyari sa kanya.

Sinenyasan nya itong hinaan ang boses nang medyo mapalakas iyon. Tinikom naman nito ang bibig at napailing na lang.

Hindi rin naman nya masisisi ito dahil saksi ito sa nangyari sa kanya sa nakalipas na mga taon. Naging kadamay nya ito sa lahat. Ramdam nito ang paghihirap nya kaya ganito na lang kung makapag react.

Never Let Go (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon