Chapter 6

3.2K 41 5
                                    

Yahcinth

Maingat na kinumutan ko si Francine matapos ayusin ang pagkakahiga nito sa kama. Inalis ko na rin ang laging yakap-yakap nitong teddy bear kapag matutulog at nilagay iyon sa may gilid ng kama. Saglit na pinagmasdan ko pa ito at inalis ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa noo nito.

Kapag ganitong mahimbing ang tulog ng anak ko ay hindi ko maiwasang pagmasdan ito. I love staring at her cuteness.

Though, Donna once said that my daughter has a big resemblance to me. Bukod sa ako ang ina ay siguro dahil ako ang laging nakakasama ng bata. May anggulo ito na ako ang nakakahawig talaga pero minsan ay iba ang napapansin ko. Lalo na kapag nakangiti ito.

I can see Franzen's face on her.

Bagay na hindi ko na maiiwasan pa.

Laging pinapaalala ng ngiting iyon ang taong pilit kong kinakalimutan.
Bukod sa may buhay na ala-ala na iniwan ito sa akin. Si Francine...

Napabuntong hininga ako nang maalala ko ang nangyari kanina sa mall. Ang masaya sana naming pamamasyal ay naging mabilisan.

Hindi nilahat ni Donna ang pagkwe-kwento sa akin dahil maririnig ng anak ko. Ingat sya sa bawat salitang binibitiwan. She only told me the story about how Francine approached the man. Kung paano rin ang pagkakasabi ng anak ko.

Dagdag ni Donna ay kaya pala naroon din ang binata ay dahil naghahanap ito ng ipangreregalo sa anak ng kaibigan nito. Nabanggit lang daw ng binata.

Habang nasa mall ay may sinabi pa ito. Kaya rin pala natagalan ang dalawa na mapuntahan ako ay dahil may kutob si Donna na may ilang mga tauhan ang binata na nakasunod sa kanila.

Maaari kayang pinag utos iyon ni Franzen?

Sinubukang iligaw ni Donna ang mga iyon at nang mapansin na wala nang kakaiba sa paligid ay saka nila ako napuntahan sa fast food. Pabulong na sinabi nya iyon sa akin habang naglalakad kami palabas ng mall, matapos naming kumain saglit sa fast food at bumili ng coloring book sa bookstore nang magturo si Francine. Iyon na lang daw ang ipapabili nito at sa susunod na lang daw ang laruan na nagustuhan.

Hindi na kasi nabilhan ng laruan ni Donna ang anak ko sa toy store dahil nga nais naming mailayo agad ang bata sa binata.

Buti na lang at napakiusapan ko ang anak ko at naintindihan naman nito kung bakit hindi na kami nakabalik doon. Sinabi ko na lang na kailangan na naming umuwi agad dahil mahirap nang sumakay kapag pagabi na. Pero ang totoong dahilan ay dahil iniiwasan naming makatagpo na naman ang binata. Mahirap na baka nasa mall pa rin iyon o baka may iniwang tauhan doon si Franzen at makita pa kaming tatlo.

Pagkauwi namin ay pinagpalit ko muna ng damit ang anak ko at hinayaan itong mag color sa biniling bagong coloring book kanina. Nang matiyak na busy na ito sa ginagawa ay saka naman ako hinila ni Donna patungong kusina. Mula roon ay tanaw ko naman ang anak ko kaya nababantayan ko pa rin kahit pabulong na nag-uusap kami ng kaibigan ko.

Doon ay kwinento nito sa akin ang ibang nangyari sa toy store. Buti na nga lang daw at ang atensyon ni Francine ay nasa mga kalapit na laruan kaya hindi nito rinig ang usapan nila ni Franzen.

Nagtanong daw kasi ang binata kung ano ng kaibigan ko ang anak ko. Pigil ko ang hininga nang marinig iyon. Buti na lamang at sinabi ni Donna na pamangkin iyon ni Troy at pinasyal nya lang. Ewan ko nga lang kung naniwala si Franzen sa sinagot ni Donna.

Naging civil nga lang ang pakikiharap ng kaibigan ko sa binata at pinigilan ang galit kahit na ang sabi nya ay gustong-gusto nyang sampalin ang binata para sa akin. Maiganti man lang daw ako kahit sa pamamagitan ng malakas na sampal sa mag kabilaang pisngi nito. But she didn't...

Never Let Go (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon