Yahcinth
Kunot noo nya akong tiningnan na parang bang hindi nagustuhan ang aking sinabi.Bakit? May mali ba?
Ang alam ko ay sandali lang naman ang pag stay namin dito sa mansion nya. Bakit parang gusto na yata nyang hindi na kami umuwi?
Naalala ko nang huli nga pala akong nagsabi sa kanya na uuwi ay hindi naging maganda ang nangyari. Umayos ako ng higa. Tumagilid ako paharap sa kanya. I'll still try to convince him. "Doon muna kami kahit isang linggo para makapag trabaho ka ng maayos sa mismong office mo."
"So, iiwan mo ko rito at kayong mag ina ko...sa bahay mo?"
"Isang linggo lang naman. Aayusin ko lang 'yung mga naiwan kong gamit doon at para makapag linis din. Siguradong puro alikabok na naman ang mga gamit ko sa bahay", he just looked at me. Mukhang hindi pa rin payag. Tumikhim ako. "Magdadala ako ng tauhan mo para magbantay sa'min kung iyon ang gusto mo", dagdag ko pa para lang mapapayag ito.
"One week?", paniniguro nito na tinanguan ko. "Pwede bang lumipat ka na sa'kin? Kayo ng anak ko? Pumayag ka namang magpakasal na sa'kin, di ba?", he's voice is begging. "Kahit dalhin mo pa rito lahat ng gamit mo. I don't mind."
Hinaplos ko ang pisngi nito. Sa itsura kasi nito ay para bang takot na takot na iwan namin. "Kapag kasal na tayo saka kami lilipat na rito ng anak natin", I assure him. Alam ko kasing hindi pa nito maaasikaso ang tungkol sa kasal namin dahil may iba pa itong ginagawa. Pero habang hindi pa ay mananatiling iyon pa rin ang bahay naming mag ina.
Hindi rin naman ako nagmamadali. If not because of the case, malamang na ang kasal namin ang hinaharap na nito ngayon.
Umungot ito na tila nahihirapan. Hinapit ako at isiniksik ang mukha sa gilid ng leeg ko. "Ayoko, babe. Dito lang kayo ng anak natin", nahi hirapang wika nito habang nakasubsob pa rin sa akin. "
I tried to look at his face pero umiling ito at mas sumiksik pa. Hindi ko napigilang tumawa. Para kasing bata. Dinaig pa ang anak namin.
"Franzen...one week lang. Nakaya mo nga ang mahigit tatlong ta-", tinakpan nito ang bibig ko kaya nakulong sa kamay nya ang boses ko.
"Please, Yaz. Alam ko na 'yan. Huwag mo namang ulit-ulitin pa. Lalo lang akong nagi-guilty. Sobra-sobra ang pagsisisi ko dahil doon. Patawarin mo na 'ko", he begged.
Tinanggal ko ang kamay nyang nakatakip sa akin. Bumangon ako paupo at sinandal ang likuran sa headboard ng kama. Ganoon din ang ginawa nito.
Nahawi ang kumot at lumantad ang hubad na katawan nito. Nag iwas ako ng tingin. He's just wearing a white pajama. Ako naman ay isang manipis na nightdress na umabot lang ang haba hanggang tuhod. Tinaas ko ng kaunti ang bandang itaas dahil kita na ang cleavage ko. Wala pa naman akong suot na bra.
Humalukipkip ako kaya medyo umangat ang ibabaw ng dibdib ko. I saw him staring at those. His adams apple moves. Para bang natakam bigla.
"Eyes on me", utos ko. Natulala na kasi sa pagtitig doon. Akala mo naman hindi napagbibigyan.
"Babe...", anito nang mag angat ng tingin sa akin.
"Hindi pa ba kita napatawad sa lagay na 'to? Nandito na 'ko sa mansion mo. Kami ng anak mo. I'm sleeping beside you in one bed. I'm letting you to touch me and more. Ano pa bang gusto mong marinig?"
"That you've forgiven me..."
"Hay naku, Franzen!", kunwaring inis ko.
"I need your words."
BINABASA MO ANG
Never Let Go (Completed)
Romance"I'm p-pregnant...", walang kurap kong sambit sa mahinang boses. Saglit itong natigilan sa sinabi ko. He licked his lower lips. Napailing. "Anong kinalaman ko sa pagbubuntis mo?", mahina ngunit mariin nitong tanong at kay talim ng mata sa akin. N...