Chapter 26

2.3K 34 6
                                    

Third Person POV

"Daddy!", masayang sigaw ni Francine nang makita sya.

Nagpababa ito kay Clarence.

Nang tuluyang makalapit sya ay mahigpit na niyakap ang anak. Ang takot at kaba sa puso nya ay tuluyang naglaho nang makitang ligtas na ito sa kapahamakan.

"Where's Mommy, Daddy?", tanong nito.

Kumalas sya sa yakap at pinakatitigan ang anak. He also checked her. Wala naman itong kahit anong galos o sugat sa katawan. Mukhang hindi rin naman ito sinaktan. Maayos pa rin naman ang suot na damit kahit may kaunting bahid ng dumi. Magulo na nga lang ang pagkakatali ng buhok nito.

"Nasa bahay si Mommy, anak. She's waiting for us to come home", tumango ang anak nya at muling kumagat sa tangan na donut.

"Are you okay, baby? Hindi ka ba nila sinaktan?", tanong nya para maka siguro. Umiling naman ito.

"But I cried, Daddy. A lot! Because I was scared...", sumbong nito.

"Daddy won't let this happen to you again", he promised to his daughter na ikinangiti nito. Panay pa rin ang nguya.

"Hindi ka ba pinakain? Ginutom ka ba nila?"

"Hmm...they gave me food but I didn't like it. I only ate a little", sumbong pa nito.

Late afternoon nang sapilitang kinuha ang anak nya nila Obet at kinabukasan na ng hapon ngayon.

D*mn it!

Ni walang maayos na kain ang anak nya simula pa kagabi hanggang ngayong hapon. She didn't have proper dinner yesterday...malamang pati breakfast and lunch for today ay wala rin.

"I bought her some foods pero inuna nyang kainin 'yung donut. Pakainin mo muna nitong nabili ko. May rice meal akong kinuha at bottled water", iniabot ni Clarence ang hawak na paperbag sa kanya.

Tumayo sya sa pagkaka squat at kinuha ang dala ni Clarence. "Thanks...", he said.

"It's nothing. Kung sa kambal ko nangyari ito ay malamang na ganito rin ang gawin mo. We're friends, anyway...halos pamilya ko na rin."

Pinaupo nya sa bakanteng upuan si Francine na may pabilog na lamesa kung saan nakapwesto rin ang mga kaibigan. Inilabas nya ang mga pagkain na binili ni Clarence at inilatag sa harapan ng anak. Hinayaan nyang maubos muna nito ang donut bago nya sinabihang kumain ng kanin. Binuksan na rin nya ang mineral water para rito.

Francine can eat alone. Hindi na ito masyadong intindihin sa pagkain bagay na itinuro rito ni Yaz sa maagang edad and he's proud.

Tahimik na pinagmasdan nya ang anak sa pagkain habang ang apat na kaibigan ay nakatunghay din dito.

"Sana binilhan mo rin kami", ani Corby. "Di ka ba nagutom sa pagtakbo?"

"May pakain ako sa Beauregard mamaya pagkatapos natin dito. Doon na tayo kumain lahat. Sagot ko na...", Clarence announced to his friends. Aayain din nito ang mga tauhan ni Franzen maging ang mga kapulisan kung pupwede ang mga ito mamaya.

Pero kung hindi maaari dahil sa tawag ng tungkulin ay magpapadala na lang si Clarence ng mga pagkain para sa mga ito kung saan man nakadestinong lugar.

"Yun naman pala, eh!", palatak ni Corby. "Kaya ko pa namang magtiis ng gutom hanggang mamaya kaya damihan mo, ha?", dagdag pa nito.

"Tsk. Dapat marunong magluto ang babaeng mapapangasawa mo. Lagi ka na lang gutom, eh... ", buska ni Symon na tinawanan lang nito.

"Sige. Tatanungin ko muna kung marunong sa kusina bago ko asawahin."

Napapailing na lang sila sa mga sagutan nito.

Never Let Go (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon