Chapter 10

3.4K 40 6
                                    

Yahcinth

"Bakit nandito ka?", bungad ko nang buksan ang gate. Hindi ko nilakihan ang pagkakabukas. Sapat lang na makita ko ang nasa labas. Kahit nga hindi ko tuluyang buksan ay kita ko pa rin naman ito dahil mababa lang ang gate. Sa tangkad ba naman nito.

Pansin ko ang mga kapit-bahay na napapatingin dito. Agaw atensyon kasi ito. Isama pa ang mamahaling sasakyan na dala nito at ang kasunod na isa pang sasakyan na mga tauhan naman nito ang lulan. Ang ilan sa mga iyon ay nasa labas at nag mamasid.

Tumikhim ito. "I drop by to visit. Pwedeng bang pumasok?"

That's kinda weird to hear from him. Sa taong malayang maglabas pasok sa bahay ko noon. Halos dito na nga ito tumira para lang makasama ako. Kulang na lang ay hakutin nito ang sariling gamit. But those were the days...

Pero heto sya ngayon...

Getting my permission to get in.

But I have doubts to let him.

Nasa loob kasi ang anak ko.

"Yaz!"

Napalingon ako sa bagong dating na kotse. Sakay noon si Troy at Donna na syang tumawag sa akin. Si Franzen ay napalingon din sa kanila.

Hininto ni Troy ang sasakyan kasunod ng sa tauhan ng binata. Magkakahilera na tuloy sila rito sa tapat ng bahay.

Bumaba si Donna kasunod ang boyfriend at nagmamadaling nilapitan ako. Pinukol nito ng masamang tingin ang binata.

"Ginugulo ka ba?", baling agad sa akin ng kaibigan ko nang makalapit. Marahan na lang akong umiling. Ayokong magkagulo pa. "E, ba't nandito 'yan?", sunod nitong tanong na para bang hindi naririnig ng kaharap.

"Gusto kong makita ang pamangkin ko", diretsang sagot ni Franzen.

"Pamangkin? Pamangkin mo?", pauyam na tumawa si Donna. "Nagpapatawa ka ba?"

Tiningnan lang ito ni Franzen at hindi nagkomento. Bagkus ay binaling ang tingin sa akin.

"Gusto ko lang makita ang bata"

"Para saan? Tahimik na ang buhay ng kaibigan ko at ng anak nya. Huwag mo nang guluhin pa!", hinawakan ko sa braso si Donna. Sinabihan ko si Troy na ipasok muna ito sa loob pero nagpumiglas lang. "Pinagtabuyan mo sya at iniwan ng tatlong taon. Tapos bigla kang darating ngayon para makita ang bata. Ano, bigla ka lang natauhan?!", segunda pa nito.

"Donna...", awat ko sa maaari pa nyang masabi dahil sa galit. Baka madulas sya at masabi pa ang totoo.

Tiningnan nya ako ngunit nag iwas din. Tila hinihingal pa ito matapos ang mga sinabi. "Kung alam mo lang ang mga pinagdaanan ni Yaz, matapos mo syang iwan...you'll understand kung bakit ganito na lang kung ipagtanggol ko sya", saka ito naglakad papasok ng bahay ngunit natigilan kami nang marinig ang boses ng anak ko.

"Mommy!"

Agad akong napalingon sa bukana ng pinto at nakitang nakatayo na roon ang anak ko. Smiling at us. Not even aware of what's going on here.

Sh*t!

Huli na para itago pa ang anak ko. Kita ko ang mapanuring tingin ni Franzen sa bata.

Makahulugang tiningnan nito si Donna. His jaw clenched after. Definitely, Donna knows the meaning of that look. Alam na ng binata na nagsinungaling si Donna.

Binalik ni Franzen ang mga mata sa anak ko. Tila pinag aaralang mabuti.

"Oh, you're the man from the toy store!", bulalas ni Francine nang makilala ang binata. Tinuro pa nito iyon at bakas ang tuwa sa mukha.

Never Let Go (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon