Chapter 20

2.4K 31 0
                                    

Yahcinth

"Manang Thelma, hindi pa po ba dumarating si Franzen?", tanong ko pagkauwi galing ng shop. Hindi kasi sya ang sumundo sa akin ngayon kundi ang mga tauhan nya lang.

I'm expecting na nandito na sya pero pansin kong wala pa sa garahe ang kotse na madalas nitong gamitin.

"Baka nasa kabilang mansyon pa. Malamang doon iyon dumiretso pagkatapos sa trabaho", sagot ni Manang habang inaayos ang lamesa para sa hapunan.

Kabilang mansyon...

That's his father's mansion. Napuntahan ko na iyon noon nang ipakilala nya ako sa pamilya nito.

Bakit bigla syang nagpunta roon? Ang alam ko ay hindi naman ito close sa pangalawang asawa ng ama nito at lalong hindi sa half brother.

"Ang balita ko'y dumating galing Russia si Sir Joaquin kasama ang asawa. Tingin ko ay pinapunta nito ang anak doon", dagdag ni Manang nang mapansin siguro ang pagta tanong sa aking anyo.

Napatango ako.

Ang pagkakaalam ko ay doon namalagi ang mag asawa simula nang mawala si Bernard. Ngayon lang siguro ulit nakabalik ng bansa.

Nakakapagtaka lang na pinapunta nito si Franzen doon. They're aware that Franzen doesn't like visiting that mansion simula nang humiwalay ito.

He's avoiding Alona and Bernard too.

Pero iba naman ngayon. Bernard wasn't there anymore. Kaya siguro napapayag ito. He'll only be dealing with his stepmother if ever aside from his own father.

"Nakahain na ang pagkain. Kumain na kayong mag ina", aya ni Manang matapos mailagay sa mesa ang isang lagayan na may umuusok na sabaw.

"Magpapalit lang po ako ng damit at sabay na po kaming bababa ng anak ko para kumain", paalam ko at tinungo ang aming silid kung nasaan ang aking anak kasama ang bagong taga pag alaga nito.

Si Mona pa rin sana ang kukunin kong taga bantay ng bata kaso ay hindi naman ito pwedeng mag stay in dito sa mansion dahil kailangan din ito ng pamilya.

Nasabi ko kasi sa kanya ang tungkol dito at iyon nga ang sinabi nya sa akin.

May kalayuan din kasi itong village mula sa amin kaya hassle kung uwian pa si Mona. Hindi katulad sa lugar namin na kaya nitong lakarin. Kung ipatawag man ito ay madali itong makakauwi sa kanila.

That's why Franzen hired a temporary nanny for our daughter habang nandito kami sa mansion.

Kaya sinabihan ko si Mona na tatawagan ko na lang sya pagkabalik naming mag ina sa bahay. Ito pa rin naman ang gusto kong taga bantay ng anak ko pag uwi namin. Subok ko na rin kasi dahil sanay ito sa pag alaga at bantay ng bata. May mga naka babatang kapatid din kasi ito kaya ganoon.

***

Third Person POV

"Where's Dad?", agad na tanong ni Franzen sa mga katulong nang batiin sya ng mga ito nang makarating sya sa mansion.

His Dad called him this afternoon at pinapapunta sya rito. Kadarating lang nito nang madaling araw kanina at wala syang ideya kung bakit. Kung sakaling may sasabihin ito ay wala syang matandaan na may dapat silang pag usapan na importante.

Ayaw man nya ay napilitan na rin nang sabihin na may kung anong ibibigay daw. Hindi sya interesado sa kung ano man ang bagay na iyon but he's curious. Kung hindi nga lang sa sinabi nito ay hindi nya maiisipang pumunta pa rito.

He left this mansion after graduating from highscool. Sa ibang bansa na sya nag kolehiyo at namalagi roon sa loob ng mahigit apat na taon. He lived there independently away from his father. By his own choice!

Never Let Go (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon