Chapter 9

3.3K 45 3
                                    

Yahcinth

Seryoso ang anyo nito habang patungo sa amin. Our eyes met through the taxi's windshield.

I don't know what to feel, ngayon na nagkita na ulit kami. Pero hindi ko ikakaila ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko na para bang nakilala nito ang taong nasa harapan.

Hindi nito inaalis ang tingin sa akin habang papalapit. Ang mga mata nito ay para bang may sinasabi na hindi ko mawari. Until he knocks on the driver's window side na agad namang ibinaba ni manong at tiningala ang nasa labas. Inabutan nito ng isang libo iyon na masaya namang tinanggap ng driver at nagpasalamat.

Mukhang alam na ng driver ang dapat gawin matapos tanggapin ang perang iyon.

I heard a sudden click on the side of the taxi's door, right where I'm sitting. Tumapat sa akin ang binata at walang sabing binuksan iyon. I didn't move. Higit ko ang hininga nang dumukwang ito para silipin ako rito sa loob. He's so near that I can smell his branded perfume. Hindi ko sya tiningnan kahit nang ayain nya 'kong bumaba. Ayoko!

I fixed my gaze in front. "Manong paki —", but he cut my words.

"Pasensya na po, ma'am...", muli itong napakamot sa ulo at nahihiyang nag iwas ng tingin nang tawagin ko ulit.

Papakiusapan ko pa sana ulit itong i-andar na muli ang taxi pero mukhang mas kailangan nito ang perang binigay dito kesa sa ipangbabayad ko na ayon lamang sa halagang rerehistro sa metro.

"Yaz..."

Napapikit ako sa pagsambit nito sa pangalan ko. Parang kailan lang nang huli nya akong tinawag sa ganoong paraan.

Rinig ko ang pagtawag ulit ng binata sa akin pero hindi pa rin ako umimik. His voice is too deep at mapanghalina. Ibang iba sa kalamigan ng boses na ipinaramdam nito sa akin nang araw na iniwan nya 'ko.

Ang tono ng boses nito ngayon ay...

May nahihimigan akong pagkasabik, pangamba at takot roon. O baka nagkakamali na naman ako ng tantya.

Baka may pinaplano ito kaya ganito. Tama! Kaya hindi ako pwedeng magpatangay basta. Minsan na nya akong sinaktan. Hindi man sa pisikal na paraan pero malalim ang pilat na iniwan noon sa akin...emotionally.

"Ma'am, baba na po kayo. Mukhang may hindi lang po kayo pagkaka intindihan ni Sir. Mabuting pag usapan na lang po ninyo. Nakaka sagabal na po kasi tayo sa daan", saad ng driver at rinig ko nga ang ilang busina ng mga motoristang dumaraan.

Napabuntong hininga ako.

Umatras ang binata nang akmang bababa na 'ko. Hinawakan nya ako sa siko para alalayan pero pumiksi ako kahit ramdam ko ang kakaibang kuryente na nanulay sa aking balat.

Nalingunan ko ang mga tauhan nito na nagkalat sa daan. Ang ilan sa mga iyon ay nagmamando na sa daloy ng trapiko. We actually caused traffic.

Napilitan akong maglakad papunta sa kotse nya nang igiya nya ako roon. No choice ako dahil nasa kalagitnaan kami ng daan.

Gustuhin ko mang takasan ito ay malabong mangyari. Mabilis na mahahabol ako nito o di kaya ay haharangin lang ako ng mga tauhan nito na kanina pa nakasunod sa akin.

Pinagbuksan nya ako ng pinto. Natigilan ako. Iniisip ko kung tama ba ito. Until few seconds passed when I've decided. Nang makasakay sa tabi ng driver seat ay agad na nanuot sa aking ilong ang pamilyar na panglalakeng pabango na humalo sa car freshener. Mixed of mint with musk scent.

Hindi pa rin pala nya pinalitan. Iyon pa rin ang gamit nyang pabango. I used to tell him before that I like it every time he uses that perfume. Simula noon ay iyon na parati ang ginagamit ng binata.

Never Let Go (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon