Chapter 5

3.3K 44 7
                                    

Yahcinth

"Mukhang magtatagal sya rito sa bansa, ah", natigil sa ere ang hawak kong pang spray at nilingon si Donna.

Nakita nya ang pagtatanong sa aking mga mata kaya agad na sinundan ang sinabi. Bumuntong hininga muna ito na para bang labag sa kalooban ang mga sasabihin.

"Higit dalawang linggo na sya rito ayon sa kakilala ko na nagtatrabaho sa kumpanya nya. Lagi nga raw nasa office at wala pa namang balita kung kailan ulit ang alis ng bansa."

Kahit hindi nito pangalanan ang tinutukoy ay nahulaan ko na kung sino. Napailing ako at binalik ang atensyon sa pagdidilig ng halaman na parang hindi ko sya narinig. Kung ako lang, ayokong makibalita pa.

Para saan pa?

Winiwisikan ko ng tubig galing sa spray bottle ang isang halaman na nagsisimula nang mamulaklak nang marinig ko ulit ang boses ng kaibigan ko.

"Himala! Anong nakain nya? Sa pagkakaalam ko hindi mapakali 'yon sa iisang lugar. May gulong yata ang paa n'on...laging paalis!", naka ismid na dagdag pa nito at naghalukipkip ng mga braso. Halata sa mukha ang pagkainis sa taong iyon.

Tinapunan nito ng tingin ang hilera ng mga tanim kong halaman dito sa harap ng bahay at nang mapansin ang isang tuyot na dahon ay bigla iyong hinablot upang tanggalin.

"Baka masira mo na ang halaman ko. Kawawa naman...", sa galit nito ay napagdiskitahan pa pati ang walang kamalay-malay na halaman.

"Ay, sorry friend...sorry", alanganin itong ngumiti at nag peace sign pa nga. I sighed. Ipinatong ko ang hawak na pang spray sa may bintana malapit sa pinto bago ito hinarap.

"Eh, ano naman kung nandito pa rin sya sa bansa? May business sya rito at mansion na kailangan puntahan at bisitahin. Hindi natin kailangan pakialaman pa ang tagal ng pamamalagi nya rito. Aalis at babalik iyon kung kailan nya naisin o gustuhin", sagot ko sa kalmadong boses, 'yung mahihimigan na wala akong pake at humakbang na 'ko papasok ng bahay. Sumunod ito sa akin.

"Paano naman kasi Yaz, ni hindi man lang nya siguraduhin kung may anak ba talaga syang naiwan sa'yo. Ano 'yon, pinaniwalaan na lang nya basta ang kung ano mang sinabi sa kanya ng half brother nyang si Bernard?"

Napatigil ako sa paghakbang at agad na nilingon ko ito. My mood shifted in an instant upon hearing that name. Anger is starting to consume me and that's the least that I wanted to feel right now. "Don't mention his name", seryosong wika ko sa mahinang tinig. Hindi na dapat binabanggit pa ang pangalan na iyon.

Dapat na manatili na lang iyon sa nakaraan.

Sandaling natahimik si Donna at humingi ng pasensya sa akin. "Let's not talk about them...", saad ko at tinungo na ang kusina kahit pansin ko ang malalim na pag hugot ng hininga ng kaibigan ko.

Alam naman ni Donna ang lahat kaya sigurado akong maiintindihan nya kung bakit ayokong pag usapan pa.

Hindi lingid sa kanya ang mga nangyari noon. She witnessed my sufferings. Lahat ng hirap at sakit na pinagdaanan ko.

***

Matapos makapagtanghalian ay nag aya si Donna na mag mall kami kasama ang anak ko. Gusto raw nyang ipasyal ang inaanak. Kaya tuwang tuwa si Francine nang marinig iyon.

Kaya dali-daling nagpasama sa akin ang anak ko pabalik ng kwarto upang makapag bihis na matapos kong mapaliguan. Kitang-kita sa maliit nitong mukha ang kasiyahan.

Binihisan ko sya ng bestida na kulay dilaw. Walang manggas ang dress na iyon pero may nakapalibot na color pink band sa may waistline at sa likod ay pa ribbon ang pagkakatali. She looks so cute in her yellow floral dress na pinaresan ko ng pink doll shoes na talagang bumagay sa anak ko.

Never Let Go (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon