Yahcinth
Abala kami sa paghahanda sa ika tatlong kaarawan ng anak kong si Francine. Dito lang sa bahay ang celebration. Simpleng handaan lang naman.
Nang malaman kahapon ni Franzen na ngayon ang birthday ng anak namin ay gusto sana nitong ganapin iyon sa isang hotel. Sinabi nya sa akin kung saan iyon. Alam kong sikat at mamahalin ang hotel na iyon pero humindi ako kahit na ilang beses nya akong pinilit.
Malamang na engrande ang nais nito at takaw atensyon iyon. Baka pagkaguluhan pa ng media kapag nalaman nila na ang gaganapin doon ay birthday party mismo ng anak nito.
Franzen kept me private in front of media noong kami pa. Maingat ito kapag kasama ako. Hanggat maaari ay ayaw nyang may lumabas na balita tungkol sa amin. Lalo tungkol sa akin. Hindi dahil sa ayaw nya. Kundi dahil gusto nya akong maprotektahan at isa pa, alam nyang hindi ko rin naman gusto na mapabalita pa ang tungkol sa relasyon namin.
Kung may pagkakataon na may makakita sa amin na taga media ay siguradong pinahaharang na nito iyon bago pa lumabas sa publiko. He's that powerful!
Nagagawa nitong pasunurin ang tao nang hindi nahihirapan.
Walang nakakaalam na may anak ito sa akin. Kahit na sabihin pa na kaya naman nitong pigilan ang paglabas ng balita tungkol sa aming mag ina ay paniguradong may ilang makakaalam pa rin, kung ipipilit nitong sa isang hotel ganapin ang birthday ng anak ko.
"Ate, may tao po sa labas. Hinahanap po kayo."
"Sino raw?", tanong ko kay Mona mula sa paghahalo ko ng spaghetti.
"Kapamilya nyo raw po."
Napakunot noo akong binalingan ito.
Kapamilya?
Ibinilin ko kay Mona ang ginagawa at nilabas ang tinutukoy nitong kapamilya ko raw. Eh, wala naman akong matandaan kung sino.
Paglabas ko ng pinto ay nakahanay na ang mga tables and chairs para sa kaunting bisita mamaya. Nakaayos na ang mga iyon. Dahil iilang tables lang naman ang kakasya rito sa harapan ng bahay ay nagpahilera na lang ako ng mga monoblock chair sa may gilid para may maupuan pa rin ang ibang bisita. May mga makukulay na lobo na rin na nakakalat sa paligid.
Malamang na paparating na rin sila Donna. Kaunti lang naman ang inimbita ko. Ang iba ay ilang piling kapit-bahay lang at ilang mga bata na kadalasang nakakalaro ni Francine sa park. Si Sean ay inimbita ko rin. Sayang nga lang dahil may duty ito kaya hindi makakapunta.
Pagbukas ko ng gate ay hindi ko inaasahan ang bumungad sa akin.
"Ang tagal mo naman kamin pagbuksan", singhal agad ni Lourdes na akala mo ay kung sino.
Sa likod nito ay ang tatlong anak. Nakangisi si Obet pagkakita sa akin. Si Suzan at Abby ay pawang mga nakaismid. Parang hindi gustong naririto. Malamang na pinilit lang ang mga ito ng ina para sumama.
"Birthday pala ng anak mo, hindi mo man lang kami nasabihan", si Obet.
Hindi ko alam kung ano ang totoong pakay o sadya nila kaya naririto. Ito ang unang pagkakataon na nagpunta sila at saktong birthday pa ng anak ko. Hindi ko naman talaga inimbita ang mga ito dahil hindi ko rin naman gustong papuntahin sila. Pero ngayon na nandito na sila? Mukhang no choice ako.
"Dapat hindi na tayo nagpunta rito. Eh, hindi naman tayo invited", wika ni Suzan.
"Kaya nga tayo nandito para naman maalala nya tayo", sagot ni Lourdes sa anak na alam kong patuya.
"Ano? Tatayo na lang ba tayo rito? Hindi mo man lang ba kami papapasukin. Gutom na kami, oh", si Obet ulit at pilit sinisilip ang loob kung saan nakaayos na ang paggaganapan.
BINABASA MO ANG
Never Let Go (Completed)
Romansa"I'm p-pregnant...", walang kurap kong sambit sa mahinang boses. Saglit itong natigilan sa sinabi ko. He licked his lower lips. Napailing. "Anong kinalaman ko sa pagbubuntis mo?", mahina ngunit mariin nitong tanong at kay talim ng mata sa akin. N...