Chapter 24

2.1K 28 9
                                    

Yahcinth

Nagmadali akong bumaba. Sila Manang Thelma at ilang katulong ay gising na rin. Mga nakamasid sa tapat ng pinto.

Nilingon ko ang library room. Nakabukas ang pinto roon pero hula ko ay wala ng tao sa loob.

Tinawag ko si Manang at tinanong kung ano ang nangyari. Saan nagpunta ang mga tao sa library?

Halata ang pangamba sa mukha nito nang lingunin ako. Tumikhim ito. "Nalaman na yata nila kung saan dinala si Francine. May mga pulis na rin kasing nagpunta rito kani-kanina lang. Nang may natanggap silang tawag ay nagmadali silang umalis", agad ang pagtahip ng kaba sa aking dibdib sa narinig.

Bumalik ako sa kwarto at hinagilap ang phone ko. Napansin kong ang dami na palang calls at messages sa akin ni Donna. Malamang na nalaman na nito ang nangyari sa anak ko.

Hindi ko muna binasa ang nga messages nito. Mamaya ko na lang re-replyan. Inuna ko munang tawagan si Franzen. Nakakailang ring na pero hindi naman nito sinasagot. Mas lalo tuloy akong kinakabahan. Sinubukan ko ulit kontakin ito. Puro ring lang naman iyon.

"Please answer it, Franzen"

I silently pray na maging okay ang lahat. Praying for everyones safety as well lalo na ang sa anak ko.

Nang hindi pa rin sinasagot ay nag send na lang ako ng message rito. Pinag ingat ko rin ito dahil ayokong may masamang mangyari sa kanya habang nililigtas nya ang anak namin.

Hindi na ako nakabalik sa pagtulog sa kakaisip. Magbubukang liwayway na ay wala pa rin akong nakukuhang reply kay Franzen. I'm worried!

"Bukas 'yan", sabi ko nang may kumatok sa pinto. Sumungaw roon si Manang Thelma at tinatanong kung gusto ko na raw bang kumain. Iaakyat na lamang daw nito para hindi na ako bumaba.

Dahil wala naman ako sa mood kumain ng ganito kaaga ay nagpa hatid na lang ako ng isang baso ng mainit na gatas. Kape sana pero baka lalo lang akong nerbyusin. Mas mabuti na ang gatas baka mapakalma pa ako.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa kama nang makaalis si Manang. Hinawi ko ang kurtina at nagsisimula nang sumikat ang araw.

Binuksan ko ang sliding glass door papuntang balcony. Agad na sumalubong sa akin ang hanging pang umaga. Kay lamig ng dampi sa aking balat.

Kung anong ikinatahimik ng umagang ito ay syang ikinagulo ng aking isipan at damdamin. Hawak ko pa rin sa aking kamay ang phone. Nang masilip ko iyon kanina para replyan ito ay nabasa ko ang panibagong message ni Donna. Dadaan daw ito at si Troy dito sa mansion para samahan ako. Agad akong pumayag. I messaged her back. I need their presence to comfort me...just like before.

Nilingon ko ang loob ng silid nang marinig ang pagkatok at pagbukas ng pinto. Pumasok si Manang dala ang isang tray. Pinalapit ko ito rito sa balcony at pinalapag na lang iyon sa naroong maliit na pabilog na lamesa na nakapwesto sa may gilid.

"Dinalhan na rin kita ng cereals. Baka gusto mong isabay sa pag inom ng mainit na gatas", saad ni Manang. Halata sa mga mata nya ang simpatya sa akin.

"Salamat po"

"Kumain ka at hwag masyadong mag iisip. Maibabalik ni Sir Franzen ang anak ninyo. Maniwala ka at samahan mo ng dasal", sa boses ay pinalalakas ang loob ko. Hinawakan nya ang mga kamay ko. Nagtubig ang aking mga mata at hindi ko napigilang umiyak.

Natatakot ako para sa kaligtasan ni Francine. Hindi ko akalaing maga gawa sa akin ito ni Obet. Naging mabuti naman ako sa kanila kahit masama ang trato nila sa akin pero nahihibang na yata ito para idamay pa ang anak ko.

Manang comforted me. Nang humupa ang nararamdaman ko ay naupo ako at uminom ng gatas. Si Manang ay pinabalik ko sa kusina dahil alam kong marami pa itong gagawin doon. Ayaw pa nga akong iwan kung hindi ko lang pinilit. Sa huli ay nginitian ko ito para mapanatag.

Never Let Go (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon