Epilogue

3.5K 71 31
                                    

Not suitable for young / minor readers. Read at your own risk!


Epilogue

Yahcinth

I slowly walk myself on the red carpet lying on the ground and surrounded by Bermuda grass while wearing my wedding dress. What I'm feeling inside is so magical! Parang isang panaginip. Hindi ko akalain na si Franzen pa rin ang makakatuluyan ko sa huli. Pagkatapos ng lahat...

It's real!

I'm marrying the man I love and the father of my kids.

Garden wedding ang theme na napili namin. Actually, ako ang may gusto. Kung si Franzen kasi ang masusunod ay magarbo tiyak ang kalalabasan ng kasal namin.

Pinasimplehan ko lang ang kasal at tanging malalapit na kaibigan lang ang inimbita namin. Bawal din ang media coverage sa venue. Hindi ko kasi gusto na sinangayunan din ni Franzen.

Si Francine ay isa sa mga flower girl ko bukod sa mga anak ng kaibigan ni Franzen. Ang bunso namin ay masyado pang maliit at karga-karga ito ni Troy na masayang nakangiti habang katabi sila Anne at Nina na mga nakangiti rin.

Si Donna naman ay syang nag aassist sa akin dahil sya ang maid of honor ko. Ang ganda nya sa suot na off shoulder dress.

While Franzen looks so handsome habang hinihintay akong makalapit sa kanya. Sa tabi nito ay si Corby na syang tumayong best man nito.

Hanggang sabay na naglakad kami ni Franzen sa pinaka gitna kung saan nakatayo ang isang pari. Franzen holds my hand so tight na para bang tatakbo ako.

Until the priest started the wedding ceremony.

Ang Daddy ni Franzen ay hindi nakadalo dahil kasalukuyang nasa Russia at balita namin ay nag file na ng divorce sa asawang si Alona na ikinagulat namin. I don't know the reason why pero tingin ko ay batid ni Franzen ang dahilan but I didn't bother to ask him as a respect to his family.

Hindi man nakadalo ang Daddy nito ay pinarating naman nito sa amin ang blessing sa pagpapapakasal namin ng anak nito. He said that he will visit us soon at para makita na rin ang dalawang apo nito. Which we happily agreed.

Nang matapos ang seremonya ng kasal ay mariin na hinalikan ako ni Franzen sa labi nang iutos iyon ng pari. Ramdam ko ang buong pagmamahal nya sa akin.

Palakpakan ang sumunod na narinig namin.

"Cheers to the newlywed!", si Symon at sabay-sabay na itinaas namin ang mga kopita ng wine nang nasa reception na kami.

Masaya kaming binati ng mga taong naging malapit na amin. Mga kaibigan na itinuturing na naming kapamilya.

I look at Franzen at huli kong nakatingin ito sa akin. We lovingly stare at each other.

"Naikasal ka rin sa'kin, my Mrs. Lev and I'll never let you go...never!", he whispered na ikinangiti ko ng malaki.

Ang tagal naming hinintay ang araw na ito.

To be as one...

At ngayon ay officially married na kami.

Nagsitunugan ang mga baso and our guests asked us for another kiss na pinaunlakan naman naming mag asawa.

"I love you", I sofly whispered to him after we kissed. Nang marinig nito ay muli akong hinalikan. Letting me feel how much he loves me too.

At muling nagpalakpakan ang mga tao sa paligid na saksi sa masayang araw ng buhay namin.

***

Karga ko sa aking braso si baby habang kumakain kami ng hapunan.

Never Let Go (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon