Chapter 16

2.6K 31 5
                                    

Yahcinth

Napasuklay ako sa buhok gamit ang kamay. Nagdadalawang isip akong pumayag ngunit nang sabihin nitong aalis din naman bukas ng umaga ay pumayag na rin ako. Maybe he's too tired to drive.

Kung iyon lang naman ang dahilan nito ay maaaring magpasundo ito sa mga tauhan nito pero baka naman gusto lang nitong makasama ng matagal ang bata.

Sa sofa ko na lang sya pinahiga. Alam kong lagpasan sya roon pero mas komportable naman doon kesa sa lapag o sa sahig. Hindi naman sya pwedeng tumabi sa amin ng anak ko dahil maliit lang ang kama ko. Pang sa amin lang kasya ni Francine.

Naglagay ako ng dalawang unan at isang bagong kumot para sa kanya.

Tinawag ko ito matapos nitong masigurado na naka lock ng mabuti ang gate at pinto ng bahay ko. He used to do it before.

Hinila ko ang electric fan at tinapat iyon sa hihigaan nya. Alam kong sanay ito sa aircon pero kaya naman nitong magtiis ng wala. Nagawa naman na nitong matulog dito sa bahay dati. Kaya alam kong makakatulog ito.

Pinatay ko ang ilaw sa sala pero ang bandang ilaw sa kusina ay hinayaan kong nakabukas. Para hindi mahirap kumilos kapag nagising ng madaling araw para magbanyo.

Nang humiga na ito sa sofa ay tinungo ko na ang silid. Maingat na tinabihan ko ang anak ko. Ngayon na nasa sala lang ang binata at kasabay naming matutulog ay nakakapanibago sa pakiramdam.

Hindi ako nakatulog agad dahil nasa isip ko ito. Minsan ay naiisip kong lumabas ng silid upang silipin ito. Kung maayos bang nakatulog pero pinigilan ko ang sarili ko.

Bandang alas kwatro ng umaga ay naalimpungatan ako. Sinilip ko ang anak ko. Tulog pa rin ito. Hinila ko ang nawala sa ayos na kumot at ibinalot sa anak ko.

Pumikit ako at pinilit ulit makatulog dahil maaga pa naman pero naka ilang baling na ako ng higa ay hindi pa rin. Tumayo na ako baka kasi magising ko pa si Francine kung maglilikot ako sa kama. Hindi na rin naman ako makatulog kaya magluluto na lang ako ng maaga o di kaya ay maglilinis ng bahay. Wala naman pasok ngayon.

Nagpakulo muna ako ng tubig sa electric kettle. Bahagyang sinilip ko ang bandang sala mula rito sa kusina. Mukhang tulog pa naman iyon.

Nilagay ko ang kawali sa kalan at nag prito ng itlog at hotdog. Paborito itong kainin ng anak ko tuwing umaga. Nang tumunog ang kettle ay sinalin ko ang mainit na tubig sa thermos nang makakulo iyon. Nagsangag na rin ako ng kanin pagkatapos.

I was busy preparing our breakfast nang maramdaman ko ang pagyakap sa akin mula sa likuran. Napaigtad ako at nang malingunan ko ang may gawa ay mas hinigpitan pa ang yakap sa akin. Mabilis na pinatakan din ako ng halik sa ibabaw ng aking ulo.

"Franzen...", there's a warning in my tone.

I heard him sigh. "Ang aga mo naman magising at magluto", he said instead.

"Hindi na kasi ako makatulog", sagot ko at inalis ang kamay nyang magkasalikop sa tapat ng tyan ko. Nang mahawakan ko sya ay kakaibang init ang naramdaman ko. I tried not to be distracted. Sinalin ko ang sinangag na kanin sa isang bowl. "Eh, ikaw...ba't gising ka na agad?", balik tanong ko para hindi ako mailang.

"Mababaw lang ang naging tulog ko."

"Nagising ba kita dahil sa pagkilos ko rito sa kusina?", saglit na sinulyapan ko ito.

"Not really..."

Kinuha nito sa akin ang bowl na may kanin at ito na ang naglagay sa mesa.

Tinulungan nya ako sa paglalagay ng gagamitin namin sa pagkain. Tulad ng baso at pinggan.

Never Let Go (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon