Yahcinth
Nandito kami ngayon sa sala at hawak ko sa aking mga kamay ang katibayan ni Franzen na sya ang biological father ni Francine.
Pina DNA test nya ang anak ko without me knowing about it. It was during the days na nasa ospital pa kami. Iyon siguro ang dahilan kung bakit minsan ay umaalis ito at sinasabing may taong kakausapin sa labas.
Inaasikaso na pala nito ang bagay na ito.
"Kinutuban ako na anak ko ang bata kaya-"
"Kaya pina DNA mo agad nang walang consent ko?!", putol ko sa kanya. Pigil ko ang sariling mapasigaw sa galit.
"Yaz, please listen to me first..."
Halos magusot ko ang tangan na papel sa galit. My hand is shaking from anger. Kaya ba ganoon na lang ang pag ako nito na anak nito ang bata nang kaharap nito ang doctor dahil sa alam na nito na anak nga nya si Francine?
Kaya ba ganoon kabilis na pumayag sya na maging blood donor ng anak ko dahil alam na nito ang totoo? That he's the father!
Sh*t!
Para akong pinaglaruan. Pilit kong itinatago sa kanya pero gumawa na pala ito ng paraan para malaman kung totoo ang suspetsa.
"Kailan pa? Kailan mo naisip na maaaring anak mo ang anak ko?"
"Nang araw na pinuntahan kita rito para makita ang bata. I figured out that Donna lied to me at the toy store nang makita ko ulit si Francine. We got the same smile at nakikita ko ang resemblance namin ng anak natin."
"Anak ko lang, Franzen! Anak ko lang!", mariin kong sabi. Sabay hampas sa kanya ng hawak ko. Nahulog iyon sa sahig.
"Anak ko rin naman si Francine, Yaz."
"Anak mo rin?", I scoffed. "Oo, ang anak mo na umpisa pa lang matigas mo nang itinanggi! Tapos ngayon ang wagas mong makaako! Bakit? Dahil ba alam mo na ngayon na dugo't laman mo sya?!", nagbaba taas ang dibdib ko sa galit na nararamdaman. My throat is starting to ache.
"Yaz...", humakbang ako paatras nang akmang hahawakan nya 'ko.
"Napatunayan na ba n'on na mali ang akusasyon mo sa'kin. Na hindi tama na paratangan ako ng isang bagay na hinding-hindi ko naman magagawa!", dagdag ko. Hinayaan kong maglandas sa aking pisngi ang luha na kanina ko pa pinipigilang tumulo. I had enough!
"Yaz, I know I was wrong..."
"Ilang beses akong nagmakaawa sa'yo, nakiusap na pakinggan mo kahit sandali lang pero para kang bingi na hindi ako pinakinggan. Ipinagtulakan mo 'kong paalis na para bang diring-diri ka sa'kin!", paalala ko rito. Nanlalabo na ang paningin ko dahil hilam na sa luha ngunit hindi maitatago noon ang sakit na nararamdaman ko. Para ba iyong bulkan na bigla na lang sumabog.
Suminghot ako at patuloy ang mga mata ko sa pagluha. I can also hear Franzen cursing. "Paano mo naisip na kaya kong gawin sa'yo 'yon? Kung alam mong sa umpisa pa lang...ikaw at ikaw lang ang naging lalake sa buhay ko. Ikaw ang lahat ng una ko..."
Sinubukan nya ulit akong hawakan pero pumiksi ako.
"Hindi ko kayang ipaliwanag ang sakit na naramdaman ko nang araw na umalis ka papuntang ibang bansa. Leaving me with your child. Paano mo nagawa sa'kin na basta na lang akong iwan nang gano'n kadali? Abandoning me so easily like I don't even exist at all. Knowing that I was very pregnant back then with your child. Hindi mo man lang ba naisip kung kakayanin ko bang mag isa ang responsibilidad sa bata? Kung paano ako, paano kami? Ilang beses kong tinawag ang pangalan mo...pero walang ikaw na dumating", patuloy ko.
Lahat ng kinikimkim kong sama ng loob sa nakalipas na tatlong taon ay ibinuhos ko na. "Dahil lang sa maling bintang mo sa'kin...iniwan mo na lang ako ng basta. Bakit napaka dali para sayo na basta na lang akong iwan? Hindi ka na n-naawa...", sa pagkakataong iyon ay hinila nya ako at niyakap. Naikuyom ko ang kamay at pinatama iyon ng ilang beses sa dibdib nito habang patuloy ako sa pag iyak pero hindi nito alintana iyon bagkus ay mas niyakap pa 'ko. "The only thing that I'm so grateful for sa kabila nang pang iiwan mo sa'kin...is having Francine", hikbi ko.
BINABASA MO ANG
Never Let Go (Completed)
Romance"I'm p-pregnant...", walang kurap kong sambit sa mahinang boses. Saglit itong natigilan sa sinabi ko. He licked his lower lips. Napailing. "Anong kinalaman ko sa pagbubuntis mo?", mahina ngunit mariin nitong tanong at kay talim ng mata sa akin. N...