Chapter 11

3.3K 42 6
                                    

Yahcinth

"I want us back"

Tila iyon paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko. Anong nasa isip nya para masabi iyon? Ang alam ko sobra ang pagkamuhi nya sa akin. Kaya nga nagawa nyang makipaghiwalay sa akin at iwanan ako, di ba?

At ano raw? Dahil mahal pa rin nya ako kaya gusto nya makipagbalikan?

Napailing ako.

Malakas ang kutob ko na may kinalaman iyon sa anak ko.

Bumangon ako at nilingon si Francine na ngayon ay mahimbing na ang pagkakatulog. Ito ang dahilan kung bakit nakikipagbalikan sa akin ang binata. He has motives, I know.

Alam kong nais ni Franzen na makapasok sa buhay naming mag ina para makuha nito ang simpatya ng bata. Ang makuha ang tiwala ng anak ko para madali nitong makuha. He wants to get Francine from me.

At hindi ako papayag!

Sa mga sumunod na araw ay madalas ang pagpunta ng binata sa shop. Bilang customer...

I warned him not to help us in the shop. Buti na lang at nakinig naman. But his presence inside our shop makes me anxious. Nahalata iyon ni Donna kaya hinayaan nya akong magstay sa inventory room o sa kusina. Yung malayo ako sa paningin ng binata.

Pero tuwing uwian naman namin ay hindi ko ito maiwasan. Lagi itong nakaabang kahit na ba sinabihan na ito ni Donna na sila ang taga hatid ko sa pag uwi. Na hindi na nito kailangan na hintayin pa ako para ihatid.

Sa huli ay hinila ako ni Donna papasok sa kotse ni Troy habang nakasunod lang ng tingin sa amin si Franzen. Akala ko ay okay na pero nahalata ni Troy na sinusundan kami ng sasakyan ng binata kasunod ng mga tauhan nito.

Napalingon ako at tama nga na nasa likuran lang namin sila. Hindi nalalayo.

"Ang tigas talaga ng mukha nyang ex-fiance mo", rinig kong naiinis na wika ni Donna. "Babe, iliko mo nga...hayaan mong sumunod lang nang sumunod hanggang mapagod", utos nito sa kasintahan.

"Donna, hwag na. Hayaan mo na", apila ko nang akmang ililiko nga ni Troy ang sasakyan. "Diretso mo na sa bahay. Pagod na rin naman tayo", dagdag ko. I heard Donna sighed after.

Nang makarating sa tapat ng bahay ay agad na bumaba ako at nagpasalamat sa dalawa. Si Donna kasi ay sa bahay na ni Troy umuuwi kaya ako na lang talaga ang inihahatid nila rito. Hindi naman malayo ang kila Troy kaya madali pa rin naman akong napupuntahan dito ni Donna.

"Okay. Mag text ka sa'kin kapag may kailangan kayong mag ina, ha? I-kiss mo na rin ako sa inaanak ko", bilin pa ni Donna bago sila umalis na tinanguan ko na lang.

Sinusian ko ang gate at pumasok na sa loob pero nahagip ng mga mata ko ang isang sasakyan sa di kalayuan. Hindi ko na lang iyon pinansin pa at pumasok na ng bahay.

"Nandito na po pala kayo, Ate"

"Si Francine?", tanong ko agad.

Tumayo si Mona mula sa panonood ng t.v at sinilip ang kwarto. "Tulog pa po, Ate. Kanina po kasi ay maaga kong pinakain. Maaga rin pong nakatulog", sagot nito. Tinanong ko kung kumain na rin ba ito.

"Opo, Ate. Sinabayan ko na po si Francine kanina", sagot nito saka ini-off ang t.v.

Kinuha ko naman sa bag ang wallet at naglabas ng pera. Every Friday kasi ang pasahod ko rito bilang taga alaga o bantay ng anak ko.

"Salamat po, Ate. May pandagdag na rin po kami sa pangbili ng bigas", masayang turan nito nang i-abot ko rito ang bayad. Salat din kasi sa buhay ang pamilya nito kaya nang alukin ito ni Donna na maging taga bantay ng anak ko ay agad na pumayag. Kinuha ko na rin para makatulong sa kanila.

Never Let Go (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon