Chapter 12

2.9K 47 14
                                    

Yahcinth

Minsan may pagkakataon talaga na hindi na natin alam ang gagawin sa isang sitwasyon. Lalo na kung may kinalaman iyon sa mahal natin sa buhay.

Binabalot ako ng matinding takot, kaba at pag aalala ngayon para sa kalagayan ng anak ko. Magdamag na binantayan ko ito kasama si Franzen.

Napag alaman ng binata ang nangyari sa anak ko nang madaanan nyang papauwi si Nina galing shop. Dahil nga maagang sinara ang shop ay malamang na nagtaka ang binata. Nang makita nito si Nina sa daan pauwi ay nagtanong ito. Doon nito nalaman kaya agad na tumungo sa bahay.

Franzen helped me to take care Francine. Hindi ako makatulog ng maayos but he told me to get some sleep at ito na ang bahalang magbantay sa anak ko. Nakaidlip naman ako. Mababaw lang ang naging tulog ko dahil sa pag-aalala.

Bandang alas tres ng madaling araw ay pinainom ko ulit ng gamot sa lagnat si Francine. Hindi pa kasi tuluyang bumababa ang lagnat nito. Nang i-check kong muli sa thermometer ay ganon pa rin.

Si Franzen na ang nagpalit ng bagong basang bimpo sa noo nito. Hinawhaw ko naman ang isa pang bimpo sa plangganang may malamig na tubig at halong piraso ng mga yelo. Iyon ang ginamit kong pamunas sa braso at binti para maginhawaan naman ang anak ko.

Mag aala sais ng umaga ay nagpasya si Franzen na dalhin na sa ospital si Francine nang hindi pa rin bumaba ang lagnat. Kaya nagmadali akong mag impake ng mga dadalhing gamit. Hindi ko na inabala sila Donna at Troy dahil nandito naman ang binata para maghatid sa amin. Magsesend na lang ako ng message sa kanila kapag nasa ospital na kami.

Nang makarating kami sa isang pribadong ospital ay ang binata na ang hinayaan kong makipag usap sa doctor. Agad na pinaconfine ni Franzen ang anak ko nang maglabasan ang mga rashes sa skin ng bata matapos iyong masuri kanina ng doctor.

My daughter is getting weaker at ayon sa doctor na sumuri ay possible na dengue ang sakit ng anak ko. Bumaba rin kasi ang platelet count. My daughter is under observation for the following days.

Dumating agad sila Donna sa ospital na sinabi ko nang magtext ako kanina para ipaalam sa kanila. She's worried too.

Nasa isang silid kami na ang binata mismo ang pumili. Pivate room iyon at may sariling kagamitan sa loob. Para ngang nasa isang mamahaling hotel suite kami sa ayos ng silid. May sariling banyo rin na magagamit sa loob. Parang wala kami sa ospital kung hindi lang sana sa maliit na monitor at ilang gamit na pang ospital na nasa paligid ng silid.

Pumasok si Franzen at may dalang paperbag na puno ng pagkain.

Inalok nya ang magkasintahan. Alam kong inis pa rin si Donna sa binata. Malamang na pinipigilan lang nito dahil baka magising ang anak ko. Nilapitan ako ni Franzen tangan ang isang lagayan ng pagkain. Tumabi sya sa akin ng upo rito sa sofa na pang dalawahan.

"Kumain ka muna. Kanina ka pa hindi kumakain", bulong nya at iniabot sa akin ang lagayan ng pagkain.

"Salamat. Ikaw? Hindi ka pa rin kumakain, ah", puna ko.

"Later, pagkatapos mo", sumandal ito sa sofa habang nakatingin sa kama kung saan nakahiga si Francine. He looks tired too. Isama pa na wala rin itong maayos na tulog.

Ako naman ay nagsimulang kumain. Hindi ko malasahang mabuti ang pagkain. Siguro dahil hindi ako mapalagay hangga't hindi siguradong okay ang anak ko.

Inalok ko si Franzen. Tinapunan ako ng tingin pero umiling lang. Ngunit pinilit ko pa rin hanggang sa umayos ito ng upo at nakisubo na rin.

Pansin ko ang paglipad ng tingin ni Donna sa amin. Bahagyang tumaas ang isang kilay. Siniko ito ni Troy na ikinabalik ng atensyon ni Donna sa pagkain.

Nang matapos kami sa pagkain ay saktong dating ng isang nurse. Napatayo ako nang makilala ko iyon.

Never Let Go (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon