CHAPTER 01

417 9 2
                                    

Chapter One~

Maulan ang unang araw ng buwan ng september, pahirapan na naman sa pag commute papunta at pauwi galing trabaho. Dagdag pa ang traffic na hinding-hindi na ata mareresolba ng gobyerno dahil mas palala lang ng palala. Mas mahirap pa naman ang byahe kapag alam mong wala kang sariling sasakyan at siksikan.

Tuloy mas maaga ang byahe ko kaysa sa nakasanayan para lang makapag-ayos pa ako bago ang office hours.

"Hi, Yas!" paunang bati ni Ez ng makarating ako ng cubicle ko.

I place my things on the table and fix myself. I only have thirty minutes to retouch my light make up. Ang hirap kapag nasa opisina ka, dapat palaging fresh ang itsura para hindi naman nakakawalang gana sa mga amo namin.

"Kanina kapa?" tanong ko habang naglalagay ng liptint sa labi.

Dumungaw sya sa cubicle ko at pinatong ang parehong braso sa transparent wall na nasa pagitan namin.

"Kararating-rating ko lang din, kain tayo sa caf ngayon." aniya.

"Hindi pwede, baka ma-late pa tayo. Lagot na naman tayo nito kay Ms. Rodrigo."

Suminghal naman sya at umirap. "Naka graduate nga tayo sa ilalim ni Professor Diaz, pumalit naman yan si Ma'am Rodrigo. Naku, kung saan tayo mapunta mayroong dem—"

"Mayroong ano, Ms. Enriquez?"

Pareho kaming sabay napatayo ni Ez ng biglang sumulpot si Ms. Rodrigo. Sabay din kaming bahagyang nag bow tanda ng pag-galang.

Ez grimaced and smile awkwardly. Napakamot pa ito sa ulo nya na tila doon nya makukuha ang sagot na nais ni Ms. Rodrigo.

"Ah... hehe, m-mayroong ano, Ma'am—"

"Mayrong 'di masungit na head, Ma'am." pagpuputol ko sa kinakabahang Ez.

Tinaasan kami ng kilay ni Ma'am Rodrigo, maya-maya pa ay ngumiti ito na parang tanga— este parang aso— ay hindi, mukhang tao pala. Tila naging good mood sya.

"That's true!" Aniya at hinawi ang buhok nyang hanggang tenga lang naman. Psh!

Bigla itong pumalakpak ng malakas dahilan upang mapatalon kami ni Ez sa gulat.

"Back to work!" Istrikto na namang aniya saka kami iniwan.

"Wew. Panira talaga ng araw ang bruhildang 'yun." ani Ez.

"Sh! Magtrabaho kana, mamaya sumulpot na naman iyon tapos sa private part mo na lalabas." pagbibiro ko at natawa.

"Kadiri ka talaga!" aniya at binato ako ng tissue.

Nagkibit balikat nalang ako at binuksan ang personal computer ko. Start na naman ang trabaho dito sa Financial Management. Pilit kong tinanaw ang cubicle ni Seb ngunit parang hindi ito papasok ngayon— or late? O 'di kaya naman nag kape? Mahilig pa naman sa kape ang lalaking 'yun.

Oh well, I need to work now. I should mind my own business.

Because being in a Financial Department was quite hard, we must perform data analysis and advise managers on profit-maximizing. And we must be responsible— not just on our position but also in the given task.

Inside the finance management, we create financial reports— which is monthly saamin hinihingi ng CEO to check, and the direct investment activities, and develop plans for the long-term financial goals.

Actually, CFO are the comparable to a treasurer or controller. But, however unlike a controller or accountant, a CFO is responsible for financial planning, while the other two are in charge of bookkeeping and the Company's financial statement.

Trapped to Mr. Billionaire (Good at Pretend #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon