Chapter Three~
The following day was still the same, nanatili parin ako sa kwartong tinutuluyan ko. Hindi ko alam kung kinukulong ba ako ng Daddy nya o ano eh. Simula kase kahapon palaging dito lang ako sa loob. Sa tuwing susubukan ko namang buksan ang pinto ay lock naman lagi. Hindi rin naman kase kayang ma unlock mula dito sa loob ng silid kaya nahirapan ako.
Ang nangyayari eh lagi lang akong hinahatiran ng pagkain dito, dinner, breakfast tsaka lunch. Nagsimula rin ako'ng maghalungkat sa mga kabinet ng kwarto nagbabakasakaling narito lang ang mga gamit ko. Pero wala eh, kase ang nakita ko gamit ng lalaki.
Ang closet ay puno ng panlalaking damit, naglalaro lang din sa itim, puti at gray ang kulay. Maging ang loob ng banyo ay mga panlalaki din ang laman. Hindi ko alam na panlalaki pala ang kwartong tinutuluyan ko. Pero kanino naman?
Imposible namang kay Ace dahil mga malalaki ang damit, may mga suit and coat pa. Kaya kanino? Posible kayang...?
Sa Daddy ni Ace? No, no, no, no, no! Kung sakanya ang kwartong ito bakit nandito ako? At bakit hindi sya dito natutulog? Teka! At bakit naman parang hinihiling ko na dito sya matulog? No way!Knock! Knock!
Napatingin ako sa nakasarang pintuan. Eh? Paano ko naman bubuksan kung lock din dito sa loob? Parang shunga naman.
Kusang bumukas ang pintuan at pumasok ang Isang katulong, kasunod nya si Ace na nakangiti na saakin. Mabilis na tumakbo sa deriksyon ko si Ace at hinawakan ako sa kamay.
"Mommy, let's go out." aniya.
"Huh?"
Ngumiti naman ulit sya saakin. "Daddy said you can go out his room now..."
So, tama nga ako? Kwarto nya 'to? Amp, kung ganun saan sya natutulog? Pero teka, bakit ba ako nagtatanong? As if naman may pake ako sa gagong yun.
"Saan naman tayo pupunta?" tanong ko ng simulan na nya akong hilahin palabas ng kwarto.
Nakasunod lang saamin ang katulong na mukhang nagbabantay sa kilos namin— I mean 'ko' lang pala. Akala mo naman gagawa ako ng kalokohan... wow...
Ang ganda naman ng bahay... or Mansion? Napahinto ako sa gitnang bahagi ng second floor kung saan nakalagay sa magkabilang gilid ko ang parehong grand staircase. Shit! Parang palasyo, kumikinang sa karangyaan ang buong paligid. Ang malaking chandelier ay nakapwesto lang din sa gitna kung saan tanaw ko ang first floor ng mansion. Maliwanag ang chandelier na syang mas lalong nagbigay buhay sa paligid.
"Mommy, let's go down." aniya Ace at hinila-hila ang laylay ng suot ko.
Tumango ako at ako na mismo ang humawak sa kamay nya. Marahan kaming bumaba ng hagdan habang nakasunod parin ang katulong saamin. At nang makarating ng first floor ay mas lalo akong namangha, ang daming gamit! Pero hindi halata ang dami nito dahil sa laki ng lugar.
"You like here po, Mommy?"
Wala sa sariling napatango ako habang inililibot ang paningin. Palakad-lakad ang ibang katulong habang may mga bitbit na kanya-kanyang panlinis.
Grabe ang laki ng mansion, hindi ito karaniwang bahay lang. Mansion 'to, beh! Mansion!
"Good afternoon, Miss Yasmin."
Napalingon ako sa bandang likuran ko ng may magsalita. Bahagya akong ngumiti ng makita ang ginang na sa tantya ko ay nasa 60's na ang edad, kakaiba ang suot nya sa ibang katulong pero halata paring katulong din sya, may pinagkaiba lang sa design ng suot nya pero pareho parin ang kulay ng suot ng mga katulong.
"Ako si Esperanza Medina, Mayordoma ng Mansion na ito. Kinagagalak kong makilala ka, Miss Yasmin." nakangiti nitong sabi.
Pilit na ngumiti ako para hindi naman nakakabastos sakanya. "Ako naman po pala—" hindi pa man ay siningitan na nya ako.
BINABASA MO ANG
Trapped to Mr. Billionaire (Good at Pretend #2)
Romance#2; Elijah Isaac Lerwick A billionaire with a stone and cold heart... ---------------------------------------------------------------- Darkness, fame, success and money... that's how they represent Elijah Lerwick, a famous business man. And the owne...