Chapter Eleven~
Mainit na sinag ng araw ang bumungad saakin ng magising ako. Pupungas pungas na naupo ako sa kama at tumingin sa nakabukas na bintana, nakahawi ang malaking kurtina nito kung kaya't malayang nakakapasok ang sikat ng araw.
Tuluyan akong bumangon at nag ayos sa loob ng banyo. Naisip kong mamaya na maligo kaya bumaba na ako at nakitang abala ang mga tao sa mansion.
Hinanap ko si Ace, pero mukhang tulog pa ito. Kaya napag-pasyahan ko nalang na bumalik ulit sa taas upang gisingin sya. Kaso ng abutan ko ito sa kwarto nya ay bihis na bihis na sya.
"Saan ka pupunta, Aristotle Isagani? Bakit ka po bihis na bihis?"
Mabilis syang nag angat ng tingin saakin at napangiti. Tinakbo nya ang distansya namin saka ako niyakap at hinalikan sa pisnge.
"We're going somewhere, Mommy. Didn't Daddy mention to you?"
Nagtaka naman ako. Nagkausap kami ng Daddy nya kagabi pero walang nabanggit na aalis kami ngayon.
"Saan naman daw tayo pupunta?"
Nagkibit balikat sya. "He didn't tell me, Mommy."
"Pero kasama daw ako?" pagtatanong ko pa.
"Yes, Mommy." Tumango sya at hinila ako palabas ng kwarto nya.
May hawak syang Isang paper bag at muli ako'ng itinulak papasok ng kwarto ni ex-mayor.
"It's your cloths, Mommy. Daddy ask me to give it you. Change now because we're leaving in an hour." inabot nya saakin ang paper bag saka ako iniwan rito.
Kahit nagtataka ay pumasok nalang ako sa loob ng banyo. Tiningnan ko ang laman ng paper bag at napataas ang kilay ko.
"Sweat pants at hoodie jacket?"
Saan naman kami pupunta at ganito ang pinapasuot saakin ng ex-mayor na 'yun? Ang init na nga sa Pilipinas ganito pa ang ipapasuot saakin. Kung hindi ba naman matino!
Naligo muna ako saka sinuot ang sweat pants at hoodie jacket. Pinatuyo ko lang ng kaunti ang buhok ko gamit ang tuwalya saka ako lumabas ng kwarto. Wala naman na yata kase akong time mag blower eh.
Pagpunta ko ng living room ay naruon na si Ace. Ng makita naman nya ako ay agad nya akong hinila palabas ng Mansion.
"Saan ba kase tayo pupunta, Ace?"
"I don't know po kay Daddy, Mommy." aniya.
Pumasok kami sa isang van at nakita si ex-mayor sa loob. Nakasandal ang likod sa back rest at ang ulo sa head rest ng upuan. Nakapikit ito at aakalain mong tulog kung hindi lang nagsalita.
"Get inside immediately, I have some matters to attend to." seryosong aniya.
Pumasok nalang kami ni Ace at pumwesto sa inuupuan nya rin. Malaki naman ang van eh, daig pa yata yung mga ginagamit ng artista. Pero dito nalang din kami pumwesto ni Ace sa pangalawang hilira ng upuan dahil nandun din si ex-mayor.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa nakapikit na ex-mayor.
Akala ko tuluyan na syang nakatulog, ang tagal kase bago sumagot.
"Manila,"
Manila?! Omg!! Babalik na ba kami? This is it? End na ng pagpanggap ko bilang Mommy ni Ace?
Kahit may mga tanong ay tumahimik nalang din ako. Mukhang Wala sa hulog ang ex-mayor ngayon kaya nakapikit lang sya at hindi nagsasalita. Si Ace na napapagitnaan namin ay tahimik na naglalaro sa IPad nya, kaya naman pinagsawa ko nalang ang mata ko sa panonood sa bawat madaanan namin.
BINABASA MO ANG
Trapped to Mr. Billionaire (Good at Pretend #2)
Romance#2; Elijah Isaac Lerwick A billionaire with a stone and cold heart... ---------------------------------------------------------------- Darkness, fame, success and money... that's how they represent Elijah Lerwick, a famous business man. And the owne...