Chapter Two~
It's another day, but suddenly it doesn't turn out to be happy day dahil may problema pala ako. Maaga ako'ng nagising, naligo na at nag prepare ng breakfast para saamin ng bata.
God. Para na ako'ng Nanay sa lagay ko, just like Janna— teka, ano na kaya balita sakanila? Kamusta na kaya sila? I should call them later.
Matapos naming mag-almusal nitong bata ay pinaliguan ko sya, binihisan ng damit na pina-laundry ko kagabi.
Pagkatapos ay umalis na kami ng apartment ko. Bumalik kami sa park kung saan ko nakita ang batang ito."Nag-aalala na 'yung Mommy mo malamang." ani ko habang palinga-linga sa paligid.
"I don't have Mommy, she left us."
Natigilan ako bago dahan-dahang nag-baba ng tingin sa bata. Ano daw? Iniwan sila ng Mommy nya? Patay na ba? Wait— 'di kaya nangibang bahay o may kabit? Nanlalake tapos inabandona sila ng Daddy nya? Umayy! Kawawa naman pala ang batang 'to, wala man lang Mommy.
"Ah... Eh, 'di 'yung Daddy mo."
"He's busy doing he's work."
Ay! Ano ba 'yan! Nakaka-p*tangina naman ang mga magulang nito. Kung hindi naman pala sya kayang maalagaan bakit hindi na lang nila ipaampon? May kakilala pa naman ako na mag-asawa na naghahanap ng maaampon na bata. Wala kase silang anak eh, baog si lalake.
Nag-patuloy ako sa paglinga sa paligid, may medyo malapit na building dito sa park. 'Yung napakataas na building, sa pag-kakaalam ko pag-aari 'yan ng isang sikat na bachelor. Hindi ko kilala pero hot fafa daw sabi ni Levi, may chismis nga daw na ang CEO ng kompanya ay may rumoured child and wife. Rumoured palang naman, hindi pa sure! Pero sayang parin!
Anyway, paano ko naman hahanapin ang guardian ni Ace? Eh, dito ko lang naman nakita ang batang ito. How would I know if they're his guardian?
"Miss,"
Nilingon ko ang boses na sa tingin ko ay ako ang tinawag. Tama naman ako ng hinala dahil nakatingin saakin ang dalawang lalaking naka black suit, naka black shades pa. Pak na pak ang dark aura ng dalawang 'to. Dinaig pa ang men in black.
"Ako ba? Bakit?" I ask.
"Ate Yas," napalingon ako sa bata.
"Eh?"
Umiling naman ang bata, tila may ipinapahiwatig saakin. Nung una hindi ko pa magets pero ng payukuin ako ng bata at ibulong ang gusto nyang sabihin ay mabilis akong napatingin sa dalawang lalaki sa harap namin.
"They're my Daddy's men, don't give me to them."
Napalunok ako. So, totoo ngang yamaners ang batang kasama ko ngayon, I wonder kung anong naramdaman ng Daddy nya habang wala sya sakanila. Natakot kaya? Posible, kase tagapagmana pala ang pinapasok ko sa apartment ko kagabi.
Malamang natakot 'yun, syempre mawawalan sya ng tagapagmana kung ibang tao nakapulot sa anak nya. Baka mamatay nalang syang hindi nakikita ang tagapagmana kung hindi ako nakakuha sa anak nya. Psh!
"Uhm. . . E-excuse me ha? M-may hinahanap kase kami—" pero pinutol na agad nito ang iba ko pang sasabihin.
"Boss namin ang tatay ng batang kasama mo, kaya sumama ka saamin." saad ng isang lalaki.
Umusok ang ilong ko sa biglaang pag-usbong ng inis sa katawan ko.
"Boss mo 'yung gagong tatay nya?" matapang na tanong ko.
I saw how the man gritted his teeth. Mukhang hindi nagustuhan ang term na ginamit ko para sa boss nya. Oh well, wala akong pake! Gago naman talaga ang Boss nya, masyadong iresponsable sa sariling anak.
BINABASA MO ANG
Trapped to Mr. Billionaire (Good at Pretend #2)
Romance#2; Elijah Isaac Lerwick A billionaire with a stone and cold heart... ---------------------------------------------------------------- Darkness, fame, success and money... that's how they represent Elijah Lerwick, a famous business man. And the owne...