Chapter Eighteen~
"YOU LOOK PROBLEMATIC,"
Napatingin ako sa kulay abo nyang mga mata. Maraming emosyong kumakalat sa mata nya ngunit hindi ko mapangalan kung ano.
"E-Elijah..."
Bumuntong hininga sya at bahagyang lumapit sa akin.
"I have a good news, this will remove all of your thinking."
Napalunok ako. Sana tama ang good news na naiisip ko. Sana tama.
"I already have a heart donor."
Kahit naiisip ko na ang good news na 'yun ay nanlaki parin ang mga mata ko at impit na napatili. Napatalon din ako at hindi sya mapigilang yakapin sa subrang saya.
"Oh my God! Thank you very much! Thank you, Elijah!!" puno ng kasiyahang sabi ko.
Ni hindi ko na namalayan na natigilan na pala sya dahil sa ginawa ko. 'Saka lang ako binaha ng kahihiyan ng may marealize, oh jusko! Niyakap ko sya!
Mabilis na lumayo naman ako at nginitian sya ng pilit pero hindi ako tumingin sa kulay abong mga mata nya.
Tumikhim sya. "Tell your Mom immediately, but don't mention my name from her."
"Ha? Bakit?"
"Maybe after a month or two, I'll show my self to your family."
Nagtaka naman ako. "Bakit after one month pa? Ayaw mo ngayon?"
Hindi parin ako makatingin sa mga mata nya pero kita ko sa peripheral vision ko ang bahagyang pag angat ng dulo ng labi nya.
"I'll meet them once I'm done on my mission."
Iyon lang at mabilis nya akong hinalikan sa labi bago tumalikod. Hindi ko na pinansin pa ang pag halik na ginawa nya dahil naguluhan ako sa sinabi nya kaya hindi ko na namalayang mabilis itong nawala. Napailing ako bago pumasok ng kwarto ni Papa. Naabutan ko silang nag-uusap na ni Mama. Si kuya naman papunta palang.
"Ma... Pa..." agaw ko sa atensyon nila.
"Anak..."
Tumayo si Mama at nilapitan ako, marahan nyang hinawakan ang kamay ko at hinila palapit kay Papa.
"Ma... Pa... May sasabihin po ako," ani ko.
"Anak... kung mag aasawa kana, pwede 'wag muna ngayon?" sabi ni Mama.
Napangiwi ako. Oa. Pag aasawa agad?
"Hindi po pag aasawa sasabihin ko, Ma..." tumingin ako kay Papa at hinawakan sya sa kamay.
"Pa, may donor na po tayo..."
Nanlaki ang mata nila pareho, si Mama napatakip pa sa sariling bibig--- mukang nabahuan sa sariling hininga--- joke!
Alam ko nakakagulat. Ang bilis makahanap ng donor si Elijah, money and power nga naman. Pero subrang nagpapa salamat ako dahil totoong bukal ang pagsasabi nyang maghahanap sya ng heart donor para kay Papa. Sa ginawa nya ay tumaba ang puso ko, never in my life na may tumulong sa amin na isang bilyonaryo. Oo nga't hindi free ang pagtulong nya sa amin pero at least hindi ako mae-stress sa paghahanap ng pambayad kase ibang klaseng bayad ang gusto nya.
Okay na rin. 'Saka ko na iisipin ang bayad na gusto nya pag naoperahan na si Papa, at kapag maayos na ang pagsubok na hinaharap namin ngayon mismo.
"A-Anak... totoo ba ang sinabi mo?" nanginginig na tanong ni Mama.
Ngumiti naman ako at tumango.
Napahawak sa dibdib si Mama kaya naalalayan ko sya bigla at pinaupo sa sofa. Nag alala naman ako dahil baka napano na sya.
BINABASA MO ANG
Trapped to Mr. Billionaire (Good at Pretend #2)
Storie d'amore#2; Elijah Isaac Lerwick A billionaire with a stone and cold heart... ---------------------------------------------------------------- Darkness, fame, success and money... that's how they represent Elijah Lerwick, a famous business man. And the owne...