CHAPTER 30

189 4 2
                                    

Chapter Thirty~

"WELCOME BACK, YAS!!"

Napatawa ako ng salubungin ako ng pagbati ng mga dati kong kasamahan dito sa bangko. Nakakataba ng puso ang ganito kasimpleng bagay. Nawala man ako ng ilang buwan ay muli parin nila akong tinanggap ng walang kahit anong reklamo o sinasabi.

Swerte parin naman pala ako

Isa-isa'ng yumakap saakin ang mga kapwa ko empleyado, ang sarap sa pakiramdam ang maramdam mong totoo sila sa ipinapakita nila sa'yo. Tuloy ay kahit papano, nabawasan ang bigat sa dibdib na nararamdaman ko.

"Ako, hindi mo yayakapin?"

Napabaling ako sa nagsalita sa likuran ko. Umugong ang malakas na asaran ng mga katrabaho ko ng sabihin iyon ni Sebastian.

Maluha-luhang nagpigil ako ng ngiti at pasugod syang niyakap. Grabe, namiss ko ang mokong na 'to.

Napahalakhak sya sa inasta ko bago ako yakapin pabalik. Tuloy ay umugong na naman ang mga panunukso nila saamin. Sanay na kami ni Seb sa ganung pagkakataon, kadalasan naman talaga kase ay tinutukso kami ng mga ito sa pagiging malapit namin. Ngunit alam ko naman sa sarili ko na walang malisya sa pagitan namin. My intention are pure, and that's to be his friend.

Matapos ang eksenang pag welcome saakin ay kanya-kanya na kaming balik sa trabaho. Nakakatuwa na si Miss Debs parin ang Manager ng bangko, napakabait kase nito kahit noong unang araw ko palang dito.

Everything feels okay again, hindi ko alam kong bakit at paano. Siguro dahil ayaw kong i-entertain yung mga nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay okay naman na ako kahit ang totoo ay iniiwasan ko lang talagang tanungin ang sarili ko kung kamusta nga ba ako.

Pilit kong itinuon ang buong atensyon ko sa pagtatrabaho at ng dumating ang lunch break ay nakisabay ako kina Ezra at Seb.

Natuwa ako dahil talagang nalibang ako sa pagtatrabaho buong maghapon. Naramdaman ko lang ang totoong pagod ng makauwi na ako ng apartment ko.

"Salamat sa libreng sakay." natatawang saad ko ng makababa sa motor ni Seb.

Ngumiti sya at pinakatitigan ako sa mukha. "Don't need to thank me, it's my pleasure."

"Mag-iingat ka sa pagmamaneho, delikado pa naman sa daan."

Sumaludo sya na tila sundalo kaya hindi ko mapigilan ang matawa. Nahinto lang ako dahil sa ginawa nyang panonood saakin. Medyo nailang lang naman ako.

"Alam kong may problema ka, Yas."

Problema? Paano nya nalaman? Sinabi ba ni Ezra? O talagang napaka obvious ko na masyado? Hindi ako nakaimik.

"Kung ano man 'yan at ayaw mong ikwento, tandaan mo na nandito lang ako lagi, nandito kami ng mga kaibigan mo para makinig sayo. We won't judge you just like what the other do when they want to share their problem with someone. Iba kami sakanila, Yas. Kaya wag kang magdadalawang isip na magsabi saamin."

Nangilid ang luha sa mga mata ko ngunit nakangiti naman ang mga labi ko. Mabilis akong tumango sakanya at sinserong tumingin sa mga mata nyang may bahid ng lungkot at pag aalala.

"Magkukwento ako kapag handa na ako, pangako yan."

Ngumiti ulit sya at ginulo ang buhok ko.

"Alright, mauuna na ako. Pumasok kana sa loob."

Tumango ako at sinunod ang sinabi nya. Hinintay nya muna akong makapasok sa loob ng apartment ko bago sya tuluyang umalis.

Napabuntong hininga ako at pasalampak na naupo sa sofa. Tinanggal ko ang suot kong heels at pagkatapos ay ginalaw galaw ko ang daliri sa mga paa ko. Pakiramdam ko ay namanhid ang binti ko sa buong maghapong nakasuot ng heels.

Trapped to Mr. Billionaire (Good at Pretend #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon