CHAPTER 17

182 3 0
                                    

Chapter Seventeen~

Pupungas pungas na bumangon ako at tiningnan ang orasan na nasa bedside table, nagulat ako dahil alas syete na ng gabi. Ang haba naman yata ng naitulog ko--- teka? Bakit ako nandito sa... wahhhhh!

Nasa loob ako ng isang kwarto. Dahil sa kaba ay kinapkap ko ang sarili, buo pa naman ako. Buo pa ang mga suot ko, kompleto pa. Pero paano ako nakapasok dito? Ang huling naaalala ko, sa sofa ako nakatulog... hindi sa kama!

Tatlong katok ang nagpatigil sa akin. Napatingin ako sa pintuan ng kwarto. At mula sa pagkakasara ay bumukas iyon at iniluwa ang gwapong nilalang--- pero masungit nga lang! Hmp!

"Your awake, dinner is ready." Aniya

Napakurap pa ako bago inayos ang sarili at sumunod sa kanya sa hapag.

Pagdating doon ay nakahanda na ang pagkain sa mesa, alam ko agad na hindi iyun lutong bahay kundi mga inorder.

Lumapit ako at naupo sa isang upuan katabi nya lang din.

"Ba't nag order ka? Hindi ka marunong magluto?" nagtatakang tanong ko habang tinitingnan Isa isa ang mga pagkain.

Nakakatakam!

"I-I... I can't cook, t...that's why I ordered."

Bahagyang kumunot ang noo ko at nilingon sya. Pero agad itong umiwas ng tingin, namumula na naman ang tenga nya pababa sa leeg. Seriously? Napapano ba ang lalaki'ng 'to?

"Kumain na tayo," ani ko at nauna ng sumandok ng kanin.

Tahimik kaming nag dinner, ako ang naghugas pagkatapos dahil syempre hindi mo mapapahugas ang Isang bilyonaryo.

9 pm ng pumasok ako sa tinulugan kong kwarto. Pero napalabas din agad, may kailangan lang akong i-confirm sa lalaki'ng  'yun. Lumapit ako sa kwarto nya at kumatok sa pintuan. Ilang sandali ay bumukas agad ito at naka topless na Elijah ang bumungad.

Oh my pandesal! I need kape right now!

Tumikhim ako at pilit binalewala ang kumikintab nyang yummy abs.

"Ah... may itatanong ako,"

Tumaas ang isa nyang kilay.

"I-Ikaw ba ang... nagbuhat sa---"

"Yes," at basta nalang ako sinaraduhan ng pinto.

Ang lintek! Yabang ah! Bukas ka saken!

Padabog pumasok ako sa kwarto ko at patihayang humiga sa kama. Gabi na, kumusta na kaya si Papa? Gising na kaya sya? Hindi ko pa nache-check ang selpon ko kung may text ba si Mama.

Nasa ganoon akong senaryo ng magring ang selpon ko, mabilis akong tumayo at tiningnan ang caller. Si Kuya...

Malamang nag aalala na sila dahil kanina pa ako wala sa amin.

"Hello, kuya---"

"Where are you, Yasmin?! Gabi na at hindi ka pa umuuwi!" tila kulog ang boses na salubong ni kuya.

Kahit kailan talaga.

"K-Kuya naman, ayos lang ako. Pupunta ako dyan bukas---"

"I said, nasaan ka, Yasmin?" serosong tanong nya.

"Ano... n-nasa kaibigan ko--- oo sa bahay ng kaibigan ko, dito na daw kase ako magpalipas ng gabi dahil delikado na pauwi."

Maniwala ka please! Maniwala ka! Maniwala ka!

"Sinong kaibigan?" seryoso paring tanong nito.

Napalunok ako. Syet! Ano isasagot ko?!

"K-Kay... S-She... Sheena! Oo kila Sheena, kuya! Old classmate ko from high school, nagkita kase kami k-kanina at naimbitahan nya ako sa kanila. Eh, 'di sumama ako."

Trapped to Mr. Billionaire (Good at Pretend #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon