Chapter Twenty~
"H-how—"
Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ng mabilis nya akong halikan sa labi.
Natulala ako, nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa kanyang nakapikit parin at nakadampi ang mga labi sa akin.I can't even move when he start to move his lips, parang mahi-hypnotized ako. Ni ang itulak sya ay hindi ko magawa dahil hindi ko magalaw ang mga kamay ko. And he took that chances to pull me closer to him. Pinapalalim ang halik.
Nang halos maubusan na ako ng hininga ay doon ko palang nagawang itulak sya, pero dahil malakas sya parang inusog ko lang sya sa pagtulak na ginawa ko. Habol ang hininga na yumuko ako at humawak sa dibdib ko. Gago?
Tiningala ko sya. Malamig ang mga mata nya ngunit may naglalarong emosyong doon na hindi ko mapangalanan.
Ngumisi ito at dinilaan ang pang ibabang labi nya.
"It taste strawberry, Yasmin..." ba't ang hot pakinggan?
No! Hindi 'yun hot! Gumising ka nga Yas! Kahit gusto mo sya— okay I said it! Pero hindi sya hot!
"I wonder how it taste your..." dahan-dahang bumaba ang mata nya kaya mabilis kong itinakip ang mga kamay sa hita ko.
"Bastos,"
Napangisi sya. "Ano'ng bastos dun?"
"Matutulog na ako!" sungit ko sa kanya at iniwan na sya doon.
Before I could really get upstairs ay narinig ko pa ang halakhak nyang napaka sexy'ng pakinggan— sexy?!
Tumakbo ako papunta sa kwarto ko. And thank God nandito parin mga gamit ko, ni lock ko ang pintuan ng kwarto at padapang nahiga sa malambot na kama. Siguro dahil sa pagod ay agad akong dinalaw ng antok.
Pasado alas dyes na ng magising ako. Nakakahiya! Again! Hindi ko 'to bahay para magising ako ng ganitong oras! Daig ko pa yata may-ari ng condo'ng 'to.
Mabilis akong bumangon at diretso ligo na, nag suot lang ako ng gray pajama at fit na black crop top. Nanatiling nakalugay ang may kahabaan kong buhok matapos ko itong i-blower. Nang medyo okay na ay lumabas na ako ng kwarto.
Pagbaba ko ng hagdan ay naririnig ko ang boses ni Ace, aww namiss ko ang batang 'yun. Tumuloy ako sa living room at naabutan syang naglalaro ng mga laruan nya.
Wala muna sana akong balak guluhin sya pero hindi sinasadyang napatingin ito sa gawi ko kaya nahinto sya sa paglalaro at nanlalaki ang mga mata'ng nakatitig saakin.
"Mo... mommy,"
Napangiti ako ng marinig ulit ang boses nya. Ang cute na batang 'to ay namiss ko rin, ilang linggo akong nawala at talagang nakakamiss na hindi ko sya nakasama.
"Ace, baby..." tawag ko sakanya.
Mabilis pa sa alas kwatrong tumayo ito at tumakbo palapit saakin. Agad syang yumakap sa bewang ko kaya niyakap ko rin ito pabalik.
"M-Mommy, I t-though you... won't come back anymore."
Nadurog ang puso ko ng marinig ang nabasag nyang boses. Umiiyak si Ace! At dahil saakin, dahil saakin na akala nya ay hindi ko na babalikan kagaya ng ginawa ng totoo nyang Nanay.
"Sorry, Ace... Nagka problema kase saamin eh, kinailangan ni Mommy na umuwi."
Malalalim singhot lang ang isinagot nya bago ako hinarap. He smiled at me even though his eyes were full of tears.
"It's okay, Mommy. Your here naman po ulit eh, I miss you, Mommy."
Muli ay napangiti ako. "Namiss din po kita, hindi na sanay si Mommy na wala ka eh."
BINABASA MO ANG
Trapped to Mr. Billionaire (Good at Pretend #2)
Romance#2; Elijah Isaac Lerwick A billionaire with a stone and cold heart... ---------------------------------------------------------------- Darkness, fame, success and money... that's how they represent Elijah Lerwick, a famous business man. And the owne...