CHAPTER 31

173 3 0
                                    

Chapter Thirty-One~

PASADO alas onse ng gabi ng magising ako sa kalagitnaan ng mahimbing na pagtulog. Agad akong napatingin sa tabi ko ng maramdaman ang Isang mahigpit na yakap. Malalim ang paghinga nya dahilan upang masabi kong malalim din ang tulog nito.

Napangiti ako ng masilayan ang gwapo nyang mukha. Ilang araw ko ding hindi nakita ang mukhang 'to. Namiss ko tuloy ng subra.

Marahan kong hinaplos ang pisnge nya at pinatakan sya ng halik sa noo. Halata ang pagod sa mukha nya, masasabi kong malaki nga ang pinoproblema ng kompanya nya ngayon.

Nakaramdam na naman tuloy ako ng guilty ng malaman ko ang rason kung bakit hindi nya ako nagawang sundan dito sa apartment ko. Masyado kasi akong nagduda sa nararamdaman nya.

Pero ano ba talagang nararamdaman nya para sayo, Yas?

"Why are you still awake?"

Napatingin ako sakanya, nakapikit parin sya  at halata ang antok sa paos nyang boses. Hinaplos ko sya sa kanyang buhok upang pabalikin sa pagtulog.

"Nagising lang, tulog kana ulit."

He snuggle on me even more before sniffing the scent on my neck.

"Why? Are you okay?" nag aalang tanong nya.

Tumango ako. "Let's go back to sleep."

Tumango sya pero maya maya lang ay muli na naman syang nagsalita.

"Let's go home tomorrow, alright?"

Natigilan ako. "Elijah... I... I need to go to work tomorrow..."

Natigilan din sya bago unti unting nilayo ang mukha saakin ngunit nanatiling nakayakap ang mga braso nya.

"Work? Saan?" Kunot noong saad nya.

"Sa bangko, p-pumapasok na ulit kasi ako dun e."

Mas lalong lumalim ang gitla sa noo nya habang nakatitig sa mukha ko.

"Why do you even need to go back there? Baby, you know I can support your needs and expenses. I can even feed you with my own money."

Napabuntong hininga ako. "Elijah, hindi naman pwedeng sa lahat ng oras ay aasa nalang ako sayo. Alam mong nagpapadala ako ng pera kila Mama, 'di ba?"

"Baby, I told you I can support you. What's the use of working hard if you can't even use my money?"

"Elijah..."

"Quit working, baby."

Pero umiling ako. "Ayoko, Elijah... Hayaan mo muna ako'ng magtrabaho."

"But, baby---"

"Elijah, kaya ko naman."

Napabuntong hininga nalang sya bago ako muling kinabig upang mapayakap sakanya.

"If that's what you want, as long as you're with me."


KINABUKASAN ay hinatid nya ako sa bangkong pinapasukan ko. Pinaalalahanan nya rin akong kumain ng tanghalian dahil mamayang hapon nya pa daw ako masusundo.

"Take care, don't skip your meal."

Tumango ako. "Ikaw rin, ingat ka."

He smiled at me before leaning to give me a kiss on my temple.

"Get inside now."

Muli akong nagpaalam sakanya bago ako tuluyang pumasok sa bangko.

"Oohh, mukhang okay na sila." nanunuksong parinig ni Ezra. Wala naman akong ibang nagawa kundi ang irapan sya habang nagpipigil ng ngiti.

Trapped to Mr. Billionaire (Good at Pretend #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon