CHAPTER 27

175 3 0
                                    

Chapter twenty-seven~

DAHIL Isang linggo pa kami dito sa probinsya ay naisip kong ipasyal ang mag ama. Marami namang lugar na pwedeng bisitahin dito sa probinsya namin at alam ko na matutuwa si Ace dun. Si Elijah kase, halatang hindi fond sa mga pasyalan.

Ngayong araw ay dinala ko sila sa isang tagong falls, well tagong falls kase nakatago naman talaga sya dati. Na discover lang 3 years ago, kaya ngayon may mga turista ng dumarayo dito. Malamig at malinaw kase ang tubig, bukod pa ron ay kulay asul ito na lalong nagpadagdag sa ganda ng lugar.

"Mommy, are we going to swim?" Dama ko ang pagka excite sa boses ni Ace.

Dahil ayokong ma disappoint ang cutie pie na ito ay nagbaon ako ng gamit namin. Hindi nga lang nya alam, kase ang akala nya uuwi rin kami pagkatapos mamasyal.

"Gusto mo ba mag swimming?" nakangiting tanong ko.

Mabilis syang tumango habang malaki ang ngiti saakin. Ginulo ko ang buhok ito bago halikan sa pisnge.

"Sige, swimming tayo."

"Yehey!!!"

Nakangiting pinanood ko lang ito habang tuwang tuwang nagtatatalon.

"He really knows how to fooled someone by his looks and expression huh." naiiling na sabi ng bagong dating na si Elijah.

Nagpark muna kase ito ng sasakyan habang nauna naman kami ni Ace dito.

Tinapik ko ang tiyan nito gamit ang likod ng palad ko. Pero imbes na masaktan sya, ako pa yung napadaing. Tigas ng abs!

"'Wag ka ngang ano dyan, makapagsalita ka naman akala mo witch ang anak mo."

Umirap sya pagkatapos ay kumapit sa bewang ko. Sabay kaming lumapit kay Ace na nasa tabi na ng tubig. Halatang gusto ng maligo.

Kinuha ko sa kamay ni Elijah ang bag na dala namin at lumapit kay Ace.

"Halika muna, baby. Bihis ka muna para maka swimming kana."

Mabilis itong sumunod saakin. Sinamahan ko sya sa banyo habang naghihintay lang sa labas si Elijah. Ng makabihis ng pang swim si Ace ay ako naman lumapit. Hinubad ko lang ang suot kong pang itaas na blouse at iniwan ang maong shorts ko at itim na bra.

When I step out of the bath room agad akong hinarangan ni Elijah.

"What are you wearing?" Salubong ang kilay na tanong nya.

Kumunot rin ang noo ko at bumaba ang tingin sa suot ko. Naka bra ako sa pang itaas at maong shorts sa pang ibaba.

"Damit? Ano problema?"

"That clothes doesn't look like decent—"

"Magsu-swimming lang kailangan disente pa yung suot?" pabalang na tanong ko.

"What? Aren't you aware that you're exposing your body too much? Guys will drool over your fucking body, baby."

"Anong exposing too much ka dyan? May suot pa naman akong bra, panty at shorts. Meaning, hindi pa naman expose masyado ang katawan ko!"

"Stop arguing with me, just change your clothes, come on."

Pero umiling ako. "Ayoko, bahala ka dyan!"

Tumakbo ako palayo sakanya at inilagay ang gamit namin sa cottage— na nirentahan namin— bago mabilis na tumalon sa tubig.

The water is so refreshing. Bagay sa init ng panahon.

"Mommy!"

Napalingon ako kay Ace. May suot na itong salbabida, siguro pinarenta kay Elijah. Lumangoy ako palapit kay Ace at agad humawak sa salbabida nya.

Trapped to Mr. Billionaire (Good at Pretend #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon