Chapter Thirty-three~
NAPABAHING ako paglabas ko palang ng bahay, hindi ko alam kung may allergy ba ako sa aso o talagang masama lang ang ihip ng hangin ngayon.
Kinusot ko ang sariling ilong at marahang bumaba ng hagdan upang makaapak sa buhangin. Napangiti ako ng maramdaman ito sa paa ko dahil kasalukuyan akong nakayapak, naglakad ako ng naglakad hanggang sa marating ko ang tabing dagat. Ang sarap sa pakiramdam sa tuwing naririnig ko ang hampas ng alon.
Dinama ko saaking paa ang munting alon na humahampas sa buhanginan at muling napangiti. Wala akong ideya noon na masarap palang manirahan malapit sa dagat. Iniisip ko lang kase noon, kung titira ako sa ganitong lugar baka maboring lang ako at mahirapan. Lalo na walang signal dito, hindi ka makakagamit ng internet.
Pero simula ng manirahan ako dito ilang buwan na ang nakakalipas, napagtanto kong masaya at tahimik naman palang tumira sa ganitong lugar. Nagkakaisa ang mga tao at walang gulo. Maganda rin ang lugar at masarap ang simoy ng hangin. Malayong malayo sa nakasanayan kong mausok at maingay na syudad.
Nagustuhan ko na ring tumira dito lalo na't fresh ang mga isdang kinakain nila. Hindi mo na kailangang pumunta ng palengke para lang bumili ng isda, dahil meron na sila dito at bagong huli pa.
"Ate Sabie!"
Napalingon ako sa tumawag saakin. At dahil mainit ay kinailangan ko pang singkitan ang mga mata ko para lang mamukhaan ang tumawag saakin.
"Ate Sabie! Bakit nagpapaaraw kapa? Masakit na sa balat ang araw." sermon ni Latisha na may dala pang payong.
Tinawanan ko lang sya at nagkibit balikat.
"I want to achieve having tan skin just like yours, Lat."Napailing naman si Latisha at hinawakan ako sa braso upang igiya pabalik sa bahay.
"Ate, 'wag ka nang umasa. Ni hindi nga nabawasan 'yang puti mo simula ng mapunta ka dito eh."
Napanguso naman ako at nagpatianod sakanya pabalik ng bahay. Nasa baba palang kami ng hagdan paakyat ay tumahol na ang aso ni Latisha, si peanut.
"Peanut baby ko, namiss mo ba ako ha?" Malambing na tanong ni Lat sa aso nya at niyakap pa ito.
Ayun na naman ang pagbahing ko ng maamoy ang aso. Don't get me wrong, mabango naman si Peanut dahil palagi syang pinapaliguan ni Latisha. Ang problema lang talaga ay sa tuwing naaamoy ko na ang amoy nitong pang aso ay bahing na ako ng bahing. Hindi ko naman alam kung may allergy ako sa aso o dahil lang sa balahibo nitong nasisinghot ko yata dahil sa hangin.
"Pumasok kana, ate. Isusumbong kita kay Kuya na lumabas ka ng bahay ng walang kasama." Pananakot pa nito.
"Hindi naman malayo ang pinuntahan ko, ang oa nyo talaga kahit kailan."
Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Latisha at nauna na ako papasok ng bahay.
"May strawberry dyan sa lamesa, ate!" Sigaw ni Lat mula sa labas na syang dahilan upang magmadali ako papasok ng kusina.
Halos magningning ang mga mata ko ng makita ang Isang plastik ng strawberry. Agad akong naglagay sa mangko at hinugasan iyon saka kinain. Halos maglaway ako sa sarap ng lasa ng strawberry. I always craved for this everyday. Pasalamat nalang talaga ako at masipag 'tong si Lati para bilhan ako ng strawberry.
"Hindi na ako magugulat kung mestiso o mestisa ang magiging anak mo, ate."
Napatingin ako kay Lati na sumubo rin ng Isang strawberry. Imbes mainis sa ginawa nyang pagkuha ng kinakain ko ay napangiti nalang ako at napahawak sa malaking umbok kong tiyan. I am already 8 months in a half pregnant. And my baby bump's sizes isn't normal just like the other pregnant woman. Malapit na ang kabuwanan ko kaya alam ko kung bakit napaka oa ni Lati sa tuwing lumalabas ako ng bahay ng mag-isa.
![](https://img.wattpad.com/cover/329796009-288-k911499.jpg)
BINABASA MO ANG
Trapped to Mr. Billionaire (Good at Pretend #2)
Romance#2; Elijah Isaac Lerwick A billionaire with a stone and cold heart... ---------------------------------------------------------------- Darkness, fame, success and money... that's how they represent Elijah Lerwick, a famous business man. And the owne...