Chapter Five~
"Mayor na, Engineer na, CEO pa... ang lupit din." pagkausap ko sa sarili dahil sa mga nakita kong certificate sa library nya.
Biruin mo 'yun, yung chinichismis saakin ng kaibigan kong bakla na si Levi ay nakakasama ko na pala! Nasisigawan ko pa! Argh! Nakakahiya! Ang taas-taas nyang tao tapos ganun ko lang kung tratuhin.
Pero kase naman! Kasalanan nya kaya ginaganon ko sya! Napaka iresponsable kaseng tatay, tsaka hindi naman nya ako masisisi kung bakit ang harsh ko sakanya eh! Concern lang naman ako kay Ace, paano nalang kung hindi ako nakakuha sa anak nya diba? Paano na sya? Psh!
"Didn't I tell you to get out?"
Nanlaki ang mga mata ko at muling napatingin sakanya. Hindi ko namalayan na narito pa pala ako sa loob ng library nya.
"A-ah... ito na nga palabas na!"
Dali-dali akong tumakbo palabas ng library saka dumeritso sa kwarto nya. Hinihingal pa akong napasandal sa likod ng pintuan dahil sa labis na pagtakbo.
Grabe! Pakiramdam ko kapag nasa paligid sya lagi akong napapahiya! Kailangan ba talagang ganun? Kase, teh 'yung dignidad ko nagiging to the lowest eh! Ikinakahiya ko na tuloy ang sarili ko.
Naglakad ako palapit sa nakasaradong bintana saka ito binuksan upang silipin ang labas. I was amazed by the view when I push aside the long gray curtain.
"Ang ganda..." Ngayon ko lang ito nakita, hindi naman kase ako lumalapit sa part na 'to ng kwarto kase hindi ko naman pag mamay-ari diba.
I watch the beautiful view in front of me as I remember my whole family. Kumusta na kaya sila, ilang araw ko na silang hindi nakakausap. Malamang nag-aalala na 'yun si Mama dahil hindi pa ako tumatawag. At si Papa naman, sana naman ay hindi nya masyadong pinapagod ang sarili sa anihan. Mainit pa naman ngayon, masakit sa ulo kung magbababad sya sa ilalim ng araw.
Hindi ko naman kase sila matawagan, wala dito ang mga gamit ko. Hindi ko alam kung tinago ba o tinapon. Hindi tuloy ako makatawag sakanila.
Hanggang gumabi ay hindi na ako lumabas pa ng kwarto, hindi naman kase ako nakaramdam ng gutom kaya nanatili nalang ako rito. And I'm planning to get out of here. I already decided, bahala na kung ano'ng kalabasan basta tatakas ako. Ayukong nag aalala ang mga magulang ko saakin.
At tsaka hindi pwedeng nakakulong nalang ako rito. Paano naman ako makakatulong kila Mama kung wala akong sinusweldo? Kung wala akong naipapadala?
Kaya naman saktong pag apak ng alas dyes ng gabi ay naghanda na ako. Suot ang maluwag na t-shirt ni Mayor at boxer short ay marahan akong lumabas ng kwarto nya. Hindi ko alam kung nasaan ang lalaki, dito naman ang kwarto nya pero mukhang hindi naman sya matutulog dito.
Paglabas ko ng kwarto nya ay sinalubong ako ng madilim na pasilyo. Kinilabutan pa ako ng maalala ang Isang horror film na napanood ko, ganito din iyon nagsimula eh. Sa madilim na pasilyo.
Grr! Naglakas loob nalang akong humakbang hanggang sa hindi ko namalayang nasa hagdan na ako. Walang ingay na bumaba ako habang palinga-linga sa paligid. Tahimik na ang buong mansyon dahil malamang kanina pa tulog ang mga tao dito. Madilim na din ang buong lugar kaya medyo nahihirapan akong maglakad.
Hinanap ko ang daan papuntang kusina, salamat sa kaunting liwanag na nagmumula sa buwan kaya nakita ko ito. Mabilis akong lumapit sa back door at akmang bubuksan na ito ng biglang lumiwanag ang buong kusina.
"Where are you going?" ani ng baritonong boses.
Napalunok ako habang ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Ito na naman po sya!
BINABASA MO ANG
Trapped to Mr. Billionaire (Good at Pretend #2)
Dragoste#2; Elijah Isaac Lerwick A billionaire with a stone and cold heart... ---------------------------------------------------------------- Darkness, fame, success and money... that's how they represent Elijah Lerwick, a famous business man. And the owne...