CHAPTER 06

195 5 0
                                    

Chapter Six~

Days passed at medyo okay naman ako rito. Except sa palagi kaming nagkakapikonan ni Mayor. Salamat nalang din talaga at gabi lang ito umuuwi kaya payapa ang buhay ko sa umaga.

Katatapos ko lang paliguan si Ace dahil wala lang trip ko lang syang paliguan. Atsaka balak ko rin itong gawan ng cookies ngayon, nakita ko kase na parang laging biscuits o sandwich ang meryenda nya kaya naisip kong ibahin ngayon.

I made cookies for him while his busy at saka ko ito pinatikim sa kanya.
Pag-katapos kong pakainin si Ace ay nag-laro kami ng mga blocks nya sa loob ng kwarto nya, inaya nya ako eh kaya wala akong ibang choice kundi makipaglaro. Ang cute nya rin kase habang inaaya ako eh, nakakapanlambot. Ang sarap tuloy magkaron ng anak— wait! What? Ha. Ha. Ha! Joke 'yun! Oh my god! Mag ka-baby? Ni boyfriend nga wala ako, baby pa kaya? Ugh!

"Mommy, I want to go outside." ani Ace habang naka-salampak kami sa sahig at naglalaro ng mga blocks nya.

"Pero bawal, little boy eh... Baka hindi tayo payagan. Mamaya rin nandito na Daddy mo, baka hanapin ka."

Tsaka sure ako hindi talaga papayag ang tatay nito lalo na't may trust issue na yata sa ginawa ko. Psh!

"But even if he's home he's still busy, Mommy. So please? I want to go outside, let's go outside, Mommy."

"But, Baby Ace... magagalit ang Daddy mo, gusto mo magalit sya at lalong hindi ka palabasin ng Mansion ha?"

Umiling naman sya at ngumuso. "I badly want to go outside, but... Okay! I don't want Daddy to be mad at me." nakangiti na sya ngayon.

Hayss. Ang mga bata nga naman kung minsan parang capricious, hindi mo maintindihan. But since bata wala kang magagawa.

"Love mo ba ang Daddy mo kahit super busy sya?" tanong ko habang nakatingin sa inosenteng bata.

"Opo, I really love Daddy. Kaya nga ayaw ko na nagagalit sya eh, tapos ayaw ko rin na nasasaktan si Daddy. Do you know, Mommy? Daddy is the best Daddy in the universe!" nakangiting aniya habang bumubuo ng parang bahay gamit ang blocks nya.

Infernes, nagtatagalog na sya ngayon. Hindi na din mahirap kausapin. Tsaka love na nya ang Daddy nya, hindi katulad nung una naming pagkikita na halos ayaw nyang umuwi sa Daddy nya.

"Really? Sya ang best Daddy in the universe?" nakangiti ring tanong ko.

Bilib lang din ako sa batang 'to. Kahit napaka-sungit at cold ng Daddy nya sakanya ay nagagawa nya paring mahalin ito. At talagang nasasabi nya pa na best Daddy in the universe si Mayor ah? Nice! Nakaka proud naman maging anak ang isang Ace Lerwick. Ang cute cute na, lovable kid pa.

"Opo, Mommy. He is. Alam mo bang binibigyan ako palagi ni Daddy ng maraming toys? Tapos kapag free time nya ay pumupunta kami sa park. Pero nung nandito pa si Mommy..." biglang lumungkot ang mukha nya kaya nag-alala ako.

"Ngayon kase, Mommy... Daddy is always busy na, he even forgotten to sang me a lullaby song... Na-hurt si Daddy ng so much kaya naging cold-guy na sya."

Hinila ko sya ng marahan at niyakap. Ang lungkot na naman nya dahil sa Mommy nya na hindi ko masabi kung matino o walang kwenta. Sabagay sino ba naman kaseng matinong ina ang iiwan ang anak sa ganito kamurang edad? Ang Mommy nya! So ibig sabihin, wala iyong kwenta. Napaka-sama nyang ina, kahit ano pa ang rason nya wala paring kwenta. Kung ano man ang dahilan kung bakit nasaktan ang Mayor na masungit na 'yun dahil sa Mommy nya ay hindi ko alam, pero for sure subrang sakit ng ginawa ng babae kaya naging ganito ang Daddy nya. Naging cold-guy, naging super busy at pati anak ay nakalimutan na rin dahil lang sa nasaktan sya.

"Don't worry, Ace. Magiging okay din ang lahat, magiging okay lang din ang Daddy mo." pagpapakalma ko sakanya.

"Really, Mommy? Tutulongan mo ba si Daddy to heal his heart?" nag-niningning ang mga mata nya sa subrang tuwa.

Trapped to Mr. Billionaire (Good at Pretend #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon