CHAPTER 22

176 4 0
                                    

Chapter Twenty-two~


Tulala ako habang nakatingin sa bintana ng kwartong tinutuluyan ko. Patuloy na nagre-replay sa utak ko ang sinabi ni Elijah. Nagtatrabaho lang ako sa kanya. Tama naman sya, empliyado lang ako. Bilang Mommy ni Ace, nagpapanggap lang naman ako.

Kaya bakit nasasaktan ka, Yas? Tama naman ang sinagot nya kay Brice ah? Wala naman kayong relasyon ni Elijah para mag emot ka dyan. Bakit kaba nasasaktan ha? Oo nga't may gusto ka sa kanya pero wag ka naman ganito.

Hindi purket may nangyari na sainyo ay may relasyon na kayo. Ginawa ka lang pang warm ng higaan nya kagabi. Syempre wala yung asawa nya kaya maghahanap sya ng kapalit for the mean time. Tsaka yung nangyari saamin kagabi ay kapalit ng pagtulong nya saamin.

I stayed at my room until he's friends decided to leave. Tulog parin si Ace sa tabi ko kaya nagpanggap rin akong natutulog. Bigla yata ay ayaw kong makita ang mukha ni Elijah, ayaw ko rin muna syang makausap.

Alam ko ang arteng pakinggan, pero hindi naman siguro masama sa part ko ang malungkot lalo na't may gusto ako sa kanya diba? May parte lang saakin na hindi matanggap ang narinig mula sa bibig nya.

Mariin akong napapikit ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan. Pinanindigan ko ang pagpapanggap lalo na ng maramdaman ko ang paglubog ng kama sa tabi ko.

He's manly scent immediately cover the whole room. Amoy na amoy ko sya, lalo pa't alam ko na ang lapit nya saakin.

"Are you really tired to sleep this long?" mahinang aniya.

I restrain myself from opening my eyes when I felt his hand on my head. Marahan syang humahaplos sa buhok ko na kabaligtaran naman ng bilis ng tibok ng puso ko.

I never see this side of me, so gentle, too much for being a cold hearted billionaire.

I felt him kissing my hair, kulang nalang isipin kong hindi sya si Elijah Isaac Lerwick. Napaka lambing ng kamay nya.

"Vous savez quoi, je t'aime bien." he whispered that alien words.

Hindi ko maintindihan ang wika nya, pero pakiramdam ko alam ng puso ko ang meaning non. The way my heart reacts to his words, it's different.

"Tu as attiré mon attention en un seul regard..." marahang aniya muli.

My heart was in a race. At natatakot akong sa lakas ng kalabog nito ay maririnig nya.

Ano ba kase ang sinasabi nya? Can I search it on google translate? Pero hindi ko saulado ang salitang ginamit nya.

Muli ay naramdaman ko ang pag halik nya sa ulo ko. Maya maya ay naramdaman kong umalis na sya ng kama, kinumutan nya kami ni Ace hanggang sa marinig ko ang paglabas nya ng kwarto.

Napahinga ako ng malalim. Akala ko magtatagal pa, baka kapusin na ako ng hangin kung hindi pa sya umalis.

Nanatili lamang ako sa higaan ko hanggang sa tuluyan akong makatulog. Ng magising naman ay madilim na at mukhang malalim na ang gabi.

Tiningnan ko ang katabi at tulog na tulog na  si Ace. Hindi ko man lang alam kung kumain ba ito bago natulog ulit.

Napag-pasyahan kong lumabas ng kwarto at pumunta ng kusina. I'm not hungry, I didn't feel like eating right now. Uminom lang ako ng tubig at tumambay saglit sa veranda.

Pabalik na ako sa kwarto ko ng makasalubong ko si Elijah. Gusto ko mang umiwas ay natakot naman akong makwestyon kung bakit ko gagawin 'yun. Baka saan pa mapunta ang usapan.

"Finally, your awake. You haven't eaten any," aniya at lumapit saakin.

Agad syang humawak sa bewang ko at giniya muli ako pababa ng hagdan. Before we make it to kitchen ay pinigilan ko sya.

Trapped to Mr. Billionaire (Good at Pretend #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon