Chapter Fifteen~
Kasalukuyan akong nasa cafeteria ng hospital kung nasaan si Papa habang nakatutok sa cellphone ko, bukas ang apps ng contacts ko. Tinitingnan kung sino ang maaari kong matawagan para mahingan ng tulong. Eh, ang kaso kahit ang close friend kong si Janna ay nahihiya akong tawagan. Alam ko naman kase na mayaman silang mag asawa, pero nahihiya parin ako. Sina Grace, Scyeon, at Tristan naman ay ayaw kong gambalain dahil alam kong abala rin ang mga ito sa mga sari-sariling buhay.
Akma ko na lang na io-off ang cellphone ko ng magring ito, I don't know if this a good thing for me or not.
Elijah...
"Hello?" alanganing bati ko.
Tahimik sa kabilang linya, parang walang tao pero imposible naman yata dahil hindi sya tatawag kung hindi nya hawak ang sariling telepono.
"Hello, Boss-masungit?"
Nakagat ko ang pang ibabang labi ko.
Sana hindi naman sya magalit sa itinawag ko sa kanya. Kase 'di ba? Totoo namang masungit sya."Hello?!" medyo naiirita lang naman ako eh.
Ibababa ko na sana ang tawag ng saka palang sya magsalita.
"Yas..."
Takteng lalaki naman 'to oh! Ba't kailangang ganyan kalalim ang boses? Bakit kailangan husky? Nang aakit ba ang kumag na 'to?!
"Where are you?" tanong nya, sa malamig na boses pero malambing? How did he do that?
"Uhm... Nandito sa hospital..."
"What are you doing there?"
Bakit ba sya nagtatanong pa? Sabagay, boss ko sya so may right naman sya.
"Basta! Oh ba't ka ba napatawag?"
Saglit na natahimik na naman sya. Gagong lalaki 'to, makukutusan ko 'to pagbalik ko ng maynila.
"I'm--- Ace is looking for you... he misses you already..."
Eh?
Tumikhim ako.
"H-Hindi ko pa... alam kung kailan ako makakabalik dyan eh. Kailangan ako ni Papa ngayon."
"What happened to your father?"
Matagal bago ako nakasagot.
"Inatake sa puso si Papa, ang sabi dala din ng mainit na panahon... P-Pero... m-may butas ang p-puso ni Papa," nanginig bigla ang boses ko.
Naiiyak na naman ako sa kalagayan ni Papa. Alam ba nyang may sakit na sya sa puso pero hindi nya lang sinasabi? Kung ganun bakit? Bakit hinintay nya pang atakehin sya bago namin malaman?
"He needs a heart transplant, didn't he?" kalmadong tanong nya.
Kahit hindi nya nakikita ay tumango ako, ang butil ng luha sa mga mata ko ay tumulo na sa pisnge ko.
"I'll help..."
Natitigilang napatitig ako sa cellphone ko, animo'y naroroon sya at nakikita ko.
"N-Nagbibiro ka ba?" nanginginig na tanong ko.
"Do I sound like I'm kidding, Yas?"
Sumikdo ang puso ko. Nakakaasar dahil kahit nalulungkot ako ay nagawa pang mag react sa ibang paraan ang puso ko dahil sa biglaang pagtawag nya sa pangalan ko.
Of all people, sya na hindi ko naiisip na hingan ng tulong ay syang kumukusa ngayon. Sya pa itong tutulong.
"Give me your exact address, asap."
BINABASA MO ANG
Trapped to Mr. Billionaire (Good at Pretend #2)
Romance#2; Elijah Isaac Lerwick A billionaire with a stone and cold heart... ---------------------------------------------------------------- Darkness, fame, success and money... that's how they represent Elijah Lerwick, a famous business man. And the owne...