Chapter Twenty-three~
Back when I was in college, I use to have flings. Naipagsasabay ko ang pag-aaral at pag-ibig. Well, hindi totally pag-ibig dahil flings lang naman. Pero may isang tao akong nagustuhan ng lubos non, at ang nakakatuwa pa, gusto nya rin ako. We dated for months, he courted me for months before we officially become couple.
Napagsabay naming dalawa ang pag-aaral at ang relasyon namin. We made a healthy relationship, Isa kami sa mga couple sa school namin na nagtagal. I was the happiest because it's my first time having that kind of relationship.
Kapag walang pasok we used to stroll around, kakain ng mga street foods o kaya naman naglalaro kaming dalawa ng basketball.
Mayaman sya, pero hindi ko hinahayaang gumastos sya ng malaki para sa relasyon namin. Hindi ko naman kase kailangan ng mga mamahaling gamit, what the most important for me is loyalty and faithfulness.
Pero 'yung relasyon namin na binuo namin for almost 4 years ay unti-unting nasira ng dumating ang ex nya. Mahal pa sya ng ex nya, pero sabi nya saakin hindi na nya mahal ang babae. I was in relief that time, at least he gave me an assurance na hindi nya ako iiwan para lang sa dating karelasyon.
Pero nagkamali parin ako. I caught him making out with his ex-girlfriend, 'yun 'yung araw na dapat sana ay magkikita kami pero sinabi nyang nagkaproblema sakanila.
Nakakatawa nga eh, problema daw pero nasa bar pala't nakikipag halikan sa ex.
After that day happened I didn't try to confront him, hindi ako nagpakita sa kanya kahit pa ilang beses akong nakatanggap ng tawag at text nya. Hindi rin ako nagtangkang umuwi saamin dahil ayokong mag-alala ang magulang ko. Wala akong ginawa, I didn't tried to save our relationship after he purposely sink it. I didn't tried to open my ears for his explanation.
That day, I promised myself that I won't enter in a relationship again. Ayoko ng maulit 'yung sakit, ayoko ng maalala pa kung gaano kahirap maka move on sa taong nasanay kang laging kasama.
Pero ngayon, narinig ko lang na binanggit ni Elijah ang ex-wife nya raw ay parang namamanhid na ang dibdib ko. Hindi ko alam kung normal pa ba 'yun o hindi na.
Tanda parin nya ang mga maliliit na bagay tungkol sa dating asawa. Hindi naman sana nakakagulat, since mag-asawa sila. At mukhang matagal ding naging magkarelasyon. Pero medyo masakit lang talaga, magkakagusto nalang kase dun pa sa mukhang in love parin sa past relationship nya.
"Hey, kumain kana rin." untag saakin ni Elijah.
Umiling lang ako bago tumayo. "Busog pa ako,"
"You only eat a little amount of food when we had breakfast, kumain ka."
Umiling ulit ako. "Hintayin ko nalang kayo sa labas."
Naglakad ako palabas ng restaurant kahit pa tinawag nya pa ako para kumain. Tumambay lang ako sa labas ng restaurant habang hinihintay silang makatapos. Pero saglit palang yata ako ay nakasunod na silang mag-ama.
"Mommy," agad lumapit saakin si Ace.
Kinunutan ko ng noo si Elijah.
"We take out the foods,"
Napatango ako bago igiya si Ace sa loob ng sasakyan. Bago pa ako mapigilan muli ni Elijah ay sumakay narin ako at naupo sa tabi ni Ace. Hindi ako tumingin sa unahan kahit ramdam ko ang nanunusok na titig ni Elijah saakin.
Hanggang sa magsimula syang magmaneho ay hindi ako nagtangkang tumingin sa unahan. Palipat lipat lang ako ng tingin kay Ace at sa labas ng bintana. Baka kase mamaya makasalubong ko pa mga mata nya.
BINABASA MO ANG
Trapped to Mr. Billionaire (Good at Pretend #2)
Romance#2; Elijah Isaac Lerwick A billionaire with a stone and cold heart... ---------------------------------------------------------------- Darkness, fame, success and money... that's how they represent Elijah Lerwick, a famous business man. And the owne...