Chapter Sixteen~
Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi knowing na nasa iisang silid kami ni Elijah. Although, kasama namin si Papa pero nakakailang parin, alam nyo 'yun? Ang ending tuloy, bangag ako kinabukasan. Sa tabi ako ni Papa natulog, may upuan naman kase roon sa gilid ng higaan nya kaya doon na ako pumwesto. Si Elijah, hayun at sa sofa nagpahinga.
Kawawang lalaki naman, ang haba ng binyahe pero sa sofa lang magpapahinga.
Bago dumating si Mama na papalit sa akin sa pagbabantay kay Papa ay nasa parking na si Elijah. Ayaw nya munang magpakita kay Mama o sa kahit sinong myembro ng pamilya ko. 'Saka na daw pag okay na ang lahat maging ang kalagayan ni Papa.
Pero hindi parin ako nakatiis, kinuwento ko kay Mama na may tutulong na sa amin sa paghahanap ng heart donor ni Papa, at 'yun ang boss ko. Labis labis ang tuwa ni Mama, gusto nya na makita ang boss ko pero sabi ko ay 'saka na dahil abala ito sa trabaho. Naniwala naman si Mama, pero sabi nya na kapag hindi na daw busy sa trabaho nito ay imbitahan ko raw ito sa amin para maipagluto nya at mapasalamatan man lang.
Umoo nalang ako kahit pa ang tinutukoy nya ay naririto lang kagabi kasama ko. Matapos kausapin si Mama ay sumunod na ako kay Elijah sa parking.
Pagdating ko roon ay mukang nasa loob na sya ng kotse nya. Kumatok ako dahil hindi ko sya makita sa loob, tinted kase ang sasakyan eh. Ng marinig ang pagclick ng unlock ay pumasok agad ako. Naabutan ko syang nakatungo sa manibela ng sasakyan nya.
"Ayos ka lang?" hindi nakapigil na tanong ko.
"Yeah..." malalim ang boses na sagot nya.
Maya maya ay umayos na sya ng pwesto nya at ini-start ang makina ng kotse.
"Fasten your seatbelt." aniya na hindi tumitingin sa akin.
Sinunod ko na lang sya kahit pa ang totoo hindi ko alam kung saan kami pupunta. Wala naman kase syang sinabi kanina na aalis pala kami. Akala ko sya lang pero nagkamali ako.
Buong byahe ay tahimik lang kami, inabot yata ng sampong minuto ang byahe bago kami huminto sa isang hotel.
Teka? Hotel? HOTEL?!
At paano nagkaron ng hotel dito?
Tangina 'di bale na nga! Pero anong ginagawa namin dito?
Akmang haharapin ko na si Elijah ay saktong lumabas na ito ng sasakyan ay dumeritso sa loob ng h-h-h-hotel!
Hindi naman ako mapakali. Hindi ako tanga para hindi maisip kung ano ang mangyayari once na pumasok kami dyan at mag check in. Alangan naman maglalaro lang kami ng jack 'en poy sa loob!
O baka naman, sya lang mag che-check in at hindi ako kasama.
Sa naisip ay bahagyang kumalma ang puso ko. Pwedeng ganun nga! Tama! 'Wag ka mag isip ng kung ano dyan, Yas! As if naman pinagnanasaan ka nya! Imposible! Kung ako tatanungin kung pinagnanasaan ko din ba sya, aba oo naman--- este never! As in never na never. Kadiri kaya!
Bumalik ako sa reyalidad ng may kumatok sa bintana sa tabi ko. Nakita ko si Sir Elijah, salubong ang makapal na kilay at tiim ang bagang.
Binaba ko ang windshield ang kotse nya at nginitian sya, ngiti o ngiwi. Ewan.
"Why are you still here?" nakasimangot na tanong nya.
"Bakit? Eh, Ikaw lang naman magche-check in dyan 'di ba? Hindi naman ako kasama."
"What? Kasama ka, sira!"
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi sa itinawag nya kundi sa sinabi nyang kasama ako.
BINABASA MO ANG
Trapped to Mr. Billionaire (Good at Pretend #2)
Romance#2; Elijah Isaac Lerwick A billionaire with a stone and cold heart... ---------------------------------------------------------------- Darkness, fame, success and money... that's how they represent Elijah Lerwick, a famous business man. And the owne...