CHAPTER 37

167 3 0
                                    

Chapter Thirty-Seven~

I spent two to three days in the hospital because of Elijah's request. Sabi nya ay kailangan ko daw ma-monitor kahit ang totoo ay pwede naman na akong umuwi kinaumagahan matapos kong manganak. Hinayaan ko nalang din sya dahil aminin ko man o hindi ay gusto ko ang nakikitang pag-aalala mula sakanya.

Kuya and Ate Jaeya came the next morning after I gave birth, naging okay din naman kami ni Kuya matapos ang naging huling sagutan namin. He said sorry and I forgave him. Wala naman kase syang kasalanan eh. In fact I was the one at fault, hindi ko sinabi sakanya ang totoo kaya naiintindihan ko sya.

My mother and father couldn't make it here in Batanes, masyado daw kaseng malayo ang byahe at hindi na raw nila kaya ang ganun. I understand them, kaya sinabi ko na kapag medyo maayos na kalagayan ko ay kami na mismo ang uuwi sa probinsya para makita nila ang mga apo nila.

"Shoot!" rinig kong sigaw ni Elijah na kasalukuyang nasa loob ng kwarto, nasa sala kase ako at abala sa pagkuha ng mga damit ng mga anak kong bagong laba lang.

Kunot noo akong pumasok sa kwarto at nakita syang marahang ibinababa sa kama si Baby Ishean, ang pangalawa namin, habang bahagyang nakakunot ang noo nya.

"Ano'ng nangyari?" Tanong ko at nilapitan sila.

He immediately looked at me and pout his lips. "He poop, baby... what should I do?" Aniya na parang napakalaking problema ng pagtatae ng anak nya.

"Palitan mo ng diaper, 'wag kang maarte dyan at wala pa namang amoy ang tae nyan." Pairap na sabi ko.

Napabuntong hininga sya at walang nagawa kundi sundin ang sinabi ko. I gave him a small size diaper and baby powder. I watched him slowly, very slowly, changing his son's diaper. Pansin kong nahirapan pa sya sa pagpunas ng wipes sa pwitan ng anak namin pero nakaya naman nya. No need for my assistance.

"Baby, can you help me over here?" Aniya at itinuro ang diaper na hindi nya pa naisusuot kay Baby Ishean.

Thankfully, my second born wasn't that noisy while someone is changing his diaper. Tahimik lang sya at patingin-tingin sa palagid. Samantalang ang pangatlo sa triplets na si baby Acsehdi, o Isaac Sehdicaiah ay napakalakas kung pumalahaw kahit pinapalitan lang sya ng diaper. Si Baby Itian naman ay umiiyak rin pero hindi kasing lakas ng kay baby Acsehdi.

Tinuruan ko si Elijah sa tamang paglalagay ng diaper sa sanggol na madali naman nyang natutunan. He's a fast learner as always.

Ang dalawa sa triplets ay mahimbing ang tulog sa crib nila, habang si Baby Ishean ay inihehele ni Elijah. Napabuntong hininga ako habang pinapanood syang gawin iyon sa anak nya. He looks so dedicated taking care of our triplets. Mag iisang linggo pa nga lang kami ng makauwi galing hospital ay ayaw nang paawat ni Elijah sa pagbubuhat ng mga sanggol. Minsan kahit sa kalagitnaan ng gabi, magising lang ang Isa sa mga triplets kahit hindi naman umiiyak ay kinakarga nya agad. Masyado nyang ini-spoil ang mga anak nya.

Hindi naman kami sa iisang kwarto natutulog ni Elijah, sadyang palagi lang bukas ang pinto ng kwarto ko kaya anytime ay nakakapasok sya. Sa sala sya pansamantalang natutulog dahil nga tumutulong sya sa pagpapatulog ng mga anak namin.

We we're still not okay, I mean we haven't talk since that night of confrontation in the beach. Hindi narin naman nya inopen ang bagay na 'yon kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. Hindi rin kase ako komportableng pag usapan pa ulit 'yon. Natatakot ako sa pwedeng kahinatnan eh.

"Elijah, sige na magpahinga kana muna. Ako na bahala sakanila." Saad ko ng makitang binaba nya na sa crib si baby Ishean.

Tumingin sya saakin bago marahang tumango. Saglit nya pang tinitigan ang mga sanggol bago sya napabuntong hininga. Para bang mabigat sa kalooban nyang umalis ng kwarto.

Trapped to Mr. Billionaire (Good at Pretend #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon