CHAPTER 35

165 4 0
                                    

Chapter Thirty-five~

"ATE, hindi pa naman tinatakasan ng bait 'yang asawa mo 'di ba?"

Pinanood namin ni Lati si Elijah sa ginagawa nito habang nakatayo kami sa balkunahe ng bahay.

Nagkibit balikat ako. "Hindi pa naman— sandali," sinamaan ko sya ng tingin ng tsaka palang pumasok sa isip ko ang itinawag nya kay Elijah. "For your information, Latisha hindi ko asawa ang lalaking 'yan."

Nag make face sya at tinaasan ako ng kilay. "Weh? Bakit tinatawag ka nyang 'wife' kung hindi mo sya asawa?"

Inirapan ko sya at muling tumingin kay Elijah. "Gawa gawa nya lang 'yun, purket alam nyang may anak ako."

Hindi ko narinig pa ang sagot ni Lati kaya itinuon ko ang pansin sa ginagawa ni Elijah. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kukuti nya at nagtatayo sya ng tent sa tabi ng bahay nina Ate Jaeya, nagulat nalang ako kaninang umaga pag gising ko maraming gamit na nakatambak sa tapat ng bahay. At ngayon nga ay nagtatayo sya ng Isang tent, balak nya yatang mag camping dito sa tabi ng dagat.

Kagabi ay hindi ko alam kung saan sya natulog, basta ang huling naaalala ko ay pinauwi ko sya dahil walang bakanteng kwarto para sakanya, at ayoko ring manatili sya sa iisang lugar kasama ako.

"Naku, Kuya! Kung ako sayo, uuwi nalang ako kaysa magtayo ng tent dyan!" biglang sigaw ni Lati dahilan upang mapansin kami ni Elijah.

Tuloy ay nahuli nya kaming pinapanood sya. Ngumiti ito habang nakatingin saakin.

"I'm not leaving my wife here." Saka nya itinuloy ang ginagawa.

Bigla akong siniko ni Lati sa braso habang nanunuksong nakatingin saakin.

"Hindi pala asawa ah? Choosy kapa, ate sabie. Grasya na nga ang itsura ni Kuya Elijah."

"Tumigil ka nga, Latisha. Akala ko ba anti-elijah ka?"

Napanguso si Lati pero agad ding bumungisngis. "Minsan pro-elijah, minsan naman anti-elijah." At humagikhik pa sya bago ako iwanan.

Kunti nalang makukutusan ko na 'tong babaeng 'to. Parang kahapon lang, alalang alala sya ng makita si Elijah. Tapos ngayon kung makapagsalita akala mo walang nagawa saakin 'yung lalaki.

Napailing ako at hindi sinasadyang napatingin sa direksyon ni Elijah, nahuli ko syang nakatitig saakin kaya agad akong umiwas ng tingin at nagpanggap na may ginagawa.

Ano ba, Yas?!

Maglalakad na sana ako papasok ng bahay ng makita ko syang naglalakad palapit sa pwesto ko. Hindi ako tuluyang nakagalaw ng maabutan nya ako.

"Are you hungry?"

Kumunot noo ako sa tanong nya.

"Ano? Tumingin ka lang saakin alam mo na agad kung gutom ako o busog?"

His forehead crease too, pero hindi naman galit. "Ang sungit, nagtatanong lang."

Inirapan ko sya at tinalikuran, pero parang Isa akong imbalidong tao na agad nyang inalalayan kahit kayang kaya ko naman.

"Bitawan mo nga ako." Tinulak ko palayo ang Isang kamay nyang humahawak sa bewang ko.

"Shut up, baby." Hindi sya natinag at muli na namang humawak saakin. "Let me help you, or you want me to carry you?"

Kumuyom ang kamao ko ngunit hinayaan ko nalang sya. Inalalayan nya ako papasok ng bahay at pinaupo sa sofa.

"Do you want to eat?" aniya habang nakatayo sa harap ko.

Umiling ako.

"Come on, baby. You were watching me the whole time, I know you're hungry."

Tinaasan ko sya ng kilay. "Bakit at paano mo nasabi? Pinapanood lang kita tapos gutom na agad ako, bakit pagkain kaba?"

Trapped to Mr. Billionaire (Good at Pretend #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon